Zephanie Dimaranan proud botante na: Simulan ang pagbabago sa bayan, tara tena!

Zephanie

KABILANG na si Zephanie Dimaranan sa ini-launch ng Cornerstone Gen C kamakailan na ginanap sa Academy of Rock sa may Scout Madrinian, Quezon City.

Sa panayam kay Zephanie ay masaya niyang ibinalita na botante na siya matapos magparehistro,  base na rin sa ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita pa niya ang dalawang daliri matapos kunan ng thumb mark.

Ang caption niya rito, “Simulan ang pagbabago sa bayan, Tara tena! #RegisterToVote #BobotoAkoSa2022.”

Natutuwa rin siya na maraming kabataan ngayon ang gusto na ng pagbabago pati na ang mga artistang hindi dati bumoboto ay nagparehistro na rin.

Sa isang panayam ay inamin ng dalaga na noon daw ay hindi niya ito naiisip dahil abala siya sa kanyang trabaho at kahit pandemya ay marami siyang zoom events aa nag-aaral pa siya.

Aniya, “I haven’t really thought about it kasi recently medyo preoccupied din po with work. And I know na wala pa rin naman ako ganu’ng knowledge really about everything that’s been happening.

“Pero siguro po talagang sa isang leader, ‘yung something na gusto kong ma-feel, whenever I see them or whenever they speak or whenever pine-present nila ‘yung sarili nila, talagang makikita mo na genuine ‘yung gusto nilang gawin or kung ano ‘yung advocacy po nila. At talagang alam mo na puso ‘yung nagpapatakbo sa kanila.

“It’s very ano… parang mababaw, parang ang general niya, pero I think it’s really important po for me,” sabi ng dalaga.

Samantala, masaya si Zephanie dahil ang hinahangaan niyang si Julia Montes ay kasama na niya bilang ambassador ng isang kilalang shampoo.

Ipinost niya ang larawan nila ni Julia na may caption na, “So happy to have worked with the one and only, Ms. @montesjulia08!”

At nag-post din siya ng larawan ng grupo na kabilang sa CS Gen C, “We have touched down and definitely ready to take on multimedia breakthroughs! We’re still over the moon and grateful to everyone who joined and supported us. Can’t wait to make you all a part of our exciting journey!”

Kabilang din sa Gen C sina Noel Comia, Jr., Miss Earth Water 2020 at commercial model Roxie Baeyens, breakthrough actors Ian Pangilinan and Paolo Pangilinan, TikTok superstars Yukii Takahashi at Queenay Mercado, oppa cutie One De Guzman, at social media heartthrob Eli Padilla, feisty and sexy vixens Angela Balagtas, Pamela Kaye, at Glenn Krishnan, multi-talented actor Aaron Gonzalez, drag queen at LGBTQIA+ advocate Brigiding, at upcoming leading men Marc David and Abed Green.

https://bandera.inquirer.net/297458/idol-ph-champion-handa-nang-sumabak-sa-akting-pangarap-makatrabaho-ang-gold-squad* * *

Itatanghal ang isang pelikula at isang proyektong pampelikula mula sa Pilipinas sa Produire au Sud (PAS) sa Nantes, France mula Nob. 20-26.

Ang PAS ay isang international training program para sa mga nakababata at nagsisimulang mga direktor at prodyuser mula sa Africa, Latin America, at Asia, at ang propesyonal na bahagi ng Festival des 3 Continents (kilala rin bilang Three Continents Festival) sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang opisyal na partner.

Gaganapin ang pagdiriwang ng ika-20 na anibersaryo ng PAS sa loob ng framework ng ikaw-43 na edisyon ng Festival des 3 Continents. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng anibersaryo ng PAS ang pagpapalabas ng  “20 Years of Produire au Sud retrospective,” isang seleksyon ng labing-walong pelikula na itinampok na sa mga nagdaang taon upang ipakita ang naging tagumpay ng workshop at festival sa loob ng dalawang dekada, gayundin ay upang pagnilayan ang kasaysayan at hinaharap ng PAS workshop sa nagbabagong mundo. 

Kasama sa retrospective ang PAS alumni na Nervous Translation. Ito ay tungkol sa mahiyaing walong taong gulang na si Yael na masaya nang maglagi sa sarili niyang mundo, at nakadiskubre ng isang panulat na may kakayahang magsalin ng mga kaisipan at damdamin ng mga taong nakararamdam ng kaba sa dibdib. 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 na anibersaryo ng PAS, kasama sa gaganaping Festival des 3 Continents ang ika-21 PAS workshop kung saan ang The Boy and the Fight of Spiders (Diwalwal) nina Jarell Serencio at Alexandra Maria Poblete, direktor at prodyuser ng kumpanyang Los Otros, ay kalahok kasama ang lima pang pares ng direktor at prodyuser at kanilang mga feature film projects. 

Ang mga napiling kalahok  ay makikinabang sa karanasan, pag-aaral at pagsasanay na ibibigay ng mga eksperto  mula story development hanggang sa pagsisimula ng produksyon. Pisikal na kalahok ng workshop sa Nantes sina Serencio at Poblete sa suporta ng FDCP.

“As a partner to this prestigious international workshop, we are proud that our country is represented by the award-winning film Nervous Translation, which has been selected to be part of the retrospective for the 20th anniversary of PAS. 

“For the 21st edition this year, our very own SoVo grantee film project Diwalwal, following in the former’s footsteps, is taking part in this workshop. We strongly believe that this journey will equip the participating filmmakers with the knowledge and tools they will need to complete their film,” sabi FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Read more...