Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Lyca Gairanod at Karen Davila

IN FAIRNESS, talagang naging instant “Meme Queen” ang Kapamilya singer na si Lyca Gairanod matapos mag-viral ang YouTube vlog nila ni Karen Davila.

Tuwang-tuwa naman ang dalagita sa bagong titulo na ikinakabit ngayon sa pangalan niya at tanggap na tanggap naman daw niya ito.

Ayon pa kay Lyca, at least daw may ibang tawag na sa kanya ang madlang pipol bukod sa pagiging “The Voice Kids” grand champion.

Nag-celebrate ng kanyang 17th birthday ang young singer sa “Magandang Buhay” kamakalawa at natanong nga siya kung ano ang feeling niya sa bagong title na ibinigay sa kanya matapos ang pinusuan at pinag-usapang viral meme nila ni Karen noong interbyuhin siya ng newscaster sa kanilang bahay.

“Kasi kapag tinatawag akong ‘Meme Queen,’ parang natutuwa po ako kasi natutuwa po sila at napapasaya ko sila,” pahayag ni Lyca.


Siyempre, kung maraming natutuwa sa kanyang mga memes, may mga basher din na nang-ookray at nanlalait sa kanya, “Kapag nababasa ko po ‘yung mga sinasabi ng bashers, like ‘yung kino-comment po nila sa akin, wala lang kasi mas kilala ko po ang sarili ko eh.”

Samantala, ipinalabas din sa “Magandang Buhay” ang video message ni Karen para sa dalagita,  “First of all I want to congratulate you for everything that you are accomplishing after our vlog. 

“And, alam mo it’s been such a pleasure meeting you. I want it to be a meaningful birthday for you and me. And I hope Lyca you will remember that God loves you at may plano ang Panginoon para sa iyo. I love you, Lyca,” pahayag ng broadcast journalist.

Sagot naman ni Lyca, “Thank you po dahil nakilala po kita. Nagkaroon po tayo ng moment na hindi ko po akalain na makakasama kita and then makakasabay kita sa tawa, sa mga moment na ibinibigay sa atin ng tao. 

“Kung paano niyo po ako i-entertain ay sobrang happy ko po. Kasi dati napapanood lang po kita, tapos ngayon ay nakakasama na po kita at tayo na po ang kasiyahan ng mga tao. So, thank you po Ms. Karen kasi naging part ka rin ng journey ko,” aniya pa.

Ito naman ang birthday wish ni Lyca, “Sana matapos na lahat. Sana maging okay na tayo, maging okay na ang mundo at makasama na natin ang dapat nating makasama.”

Kung matatandaan, sabay na nag-celebrate sina Karen at Lyca ng kanilang kaarawan at bukod sa pagsasalu-salo namahagi rin sila ng mga bisikleta, food packs at iba pang ayuda sa mga residente ng Tanza sa Cavite.
https://bandera.inquirer.net/291258/lyca-sa-viral-vlog-ni-karen-sobrang-totoo-po-ang-gulat-ko-ang-pangit-po-ng-gulat-ko-walang-maganda
https://bandera.inquirer.net/298171/ohmygod-karen-lyca-nag-celebrate-ng-birthday-together

Read more...