Sikat na aktres laging hinihiya at tinatalakan ng ka-loveteam na young actor

TRULILI kaya na nagtitiis lang ang isang aktor sa ugali ng kanyang ka-loveteam na lagi siyang inaaway kahit sa maliliit na bagay lang?

Awang-awa ang co-stars ng aktor sa kanya dahil kitang-kita nila kung paano siya talakan ng ka-loveteam kapag hindi nasunod ang gusto nito lalo na kung wala ito sa mood.

Hindi na lang daw kumikibo ang mga nakakakitang artista at staff sa ginagawa ng aktres sa aktor dahil nga malaking artista ito at siya ang bida sa serye nila.

Si aktor na laging napagdidiskitahan ng ka-loveteam  ay hindi na lang din daw kumikibo at panay na lang ang ngiti sa lahat pero kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot at pagkairita, pero wala siyang magawa.

“E, teka, ka-loveteam pala, e, di bida rin ang aktor?” ang tanong namin sa aming source.

“Bida rin pero alam naman ng lahat kasi na kaya siya naging bida kasi bitbit siya ng ka-loveteam niya,” say ng aming source.

Oo nga naman hangga’t kayang magtiis ng aktor ay kakayanin niya alang-alang sa career dahil in fairness naman ay marami talaga silang projects na magka-loveteam.

Teka, magdyowa ba sila bakit parang kung makatalak at makautos ay parang may relasyon na sila.
“Waley. Ganu’n na yata ang uso ngayon, kapag magka-loveteam ganyan na ang turingan,” sabi pa ng source namin.

Ganito na ba ang millennials ngayon? Bakit

Anyway, balita namin ay pinangaralan pa ng co-actors niya si aktor na hindi sa lahat ng oras ay dapat nitong pagbigyan ang gusto ng ka-loveteam dahil umaabuso na.

Pero ngumiti lang daw ang aktor.

https://bandera.inquirer.net/294971/aktor-na-nasisisi-sa-hiwalayan-nila-ng-magandang-aktres-magsasalita-na-aaminin-kayang-si-girl-ang-unang-mangaliwa
https://bandera.inquirer.net/294953/kilalang-aktor-sinisisi-bakit-hiniwalayan-ng-magandang-aktres-walang-kasalanan-dahil-si-aktres-ang-unang-nangaliwa

Read more...