Ariella Arida handang magsakripisyo at ‘baguhin’ ang sarili para sa lalaki

Ariella Arida

HANDANG magsakripisyo si 2013 Miss Universe Philippines Ariella Arida sa ngalan ng pag-ibig.

Ito ang inamin ng beauty queen turned actress nang mapag-usapan ang tungkol sa tema at kuwento ng bagong pelikula ng Viva Films na “More Than Blue” starring Yassi Pressman and JC Santos.

Sa virtual mediacon ng movie kamakailan, ibinandera ni Ariella na super thankful siya na naging bahagi siya ng cast dahil umaani nga ito ng positive feedbacks mula sa manonood at subscribers ng Vivamax.

“Una pa lang, knowing that si direk Nuel (Naval) yung magdi-direct ng film tapos kasama ko pa sina Yassi, JC, and Diego (Loyzaga) parang nakaka-pressure in a way kasi you know na ito yung mga in the industry, you know how professional they are at mahuhusay sila sa craft nila. 

“So in return, I really have to do my part also na masabayan mo yung craft na pinapkita nila. And true enough, si direk has been really helpful talaga kung paano ko pa mabibigyan buhay si Cindy na character ko. I’m very thankful na ang dami ko ring natutunan doing this film,” pahayag ng dalaga.

“I play Cindy here, the happy-go-lucky ex and confident and straightforward photographer. The happy-go-lucky part resembles me, like the passionate part when it comes to loving someone and when it comes sa work and her profession. 

“I guess it helps with the insight and input na binibigay ni direk sa amin dahil nagkaroon ng deeper meaning yung character. Siguro I relate most to the light part of her na fun lang, very happy-go-lucky in a way. I can also see some traits ng pagiging Scorpio like me. 

“Like sa parts ng pagiging passionate ko in a way like Cindy and of course willing to help a friend out of love din. I guess it’s all true with all of us na you’re willing to sacrifice something else just because you love someone and in that part I can see myself in Cindy as well.


Sabi ko nga parang nakikita ko yung sarili ko sa parteng ‘to and I really had to dig deeper into it,” dire-diretsong chika ni Ariella. In fairness, nabigyan naman niya ng hustisya ang karakter niya sa pelikula.

Ano ba ang natutunan niya matapos gawin ang “More Than Blue” na remake nga ng hit 2009 South Korean film na may kaparehp ring titulo.

“I’ve realized with this film na when you love someone din talaga, sometimes the hardest thing is to sacrifice the one you love talaga and to let him go pag hindi na siya masaya talaga sa ‘yo or hindi mo nabibigay yung ano yung nagpapasaya sa kanya. With this film I realized I can be that one in the end na buti naman hindi nangyayari sa akin. 

“I’m really happy kung nasaan na ako ngayon and never pa naman ako naka-experience na I need to sacrifice yung love ko sa partner ko dahil hindi na ako para sa kanya at hindi na siya masaya para sa akin. But I think I can be on that level kung mangyari man yun sa akin.

“It’s so nice kasi na-realize ko yun after doing this film and know that I can love like this pala. Kung hindi na ako ang nagpapasaya sa partner ko, kahit sobrang sakit sa akin, I’m willing to let him go,” paliwanag ni Ariella.

Ano nga ba ang kaya niyang isakripisyo pagdating sa love? “Sometimes in real life, hindi naman talaga nagsa-swak yung personality niyo especially with your partner. So there are things I’m really willing to sacrifice when it comes to just changing a bit of myself which is to compromise if ever we’d end up and fix things together for us para mas maging okay yung relationship. 

“Personally sa part ko it would be hard. For example may nakasanayan ka ng bagay and at the same time hindi yun yung nakasanayan ng partner mo so we have to meet in the middle. 

“So I’m willing to change something else sa sarili ko para mag-meet kami sa gitna. So for me it’s something hard and I take it as a sacrifice as well,” pahayag pa ng aktres.

Ariella Arida sa halikan nila ni Lassy: Pinakamalansa sa lahat ng malansa!

Ariella Arida kay Miss Universe PH Bea Gomez: I have nothing against her being openly gay

Read more...