Jela Cuenca, Cara Gonzales at Luis Hontiveros
SA pelikulang “Palitan” na idinirek ni Brillante Mendoza mula sa Viva Films ay feeling overwhelmed ang mga bidang sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Rash Flores at Luis Hontiveros.
Pawang mga baguhan pa lang kasi sila sa industriya ng pelikula pero ang direktor nga nila ay isang award-winning hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi rin ng mundo.
Sa virtual mediacon ng “Palitan” kaninang tanghali ay abut-abot ang pasalamat ng apat na artista dahil na-experience nilang makatrabaho ang isang Brillante Mendoza.
Ayon kay Luis, “Until now, I’m still overwhelmed na hindi ako makapaniwala nu’ng una kasi direk Brillante Mendoza, best director sa Cannes (para sa pelikulang Kinatay noong 2009).
“So, for someone na nagsisimula pa lang somehow sa industriya tapos first indie film ko pa and would be working a direktor like him talagang I’m truly blessed and thankful sa tiwala sa opportunity na binigay nila para mapakita ko kung ano ‘yung kakayanan ko sa craft ko sa pelikulang ito.
“And working with him is hindi lang siya maganda sa resume ko ika nga pero ang dami kong natutunan sa kanya lot of wisdom on and off cam. So, that I’m very grateful also for him,” sabi ng aktor.
Sexy movie ang “Palitan” na talagang may mga love scenes ang bawa’t isa kaya natanong kung gaano ka-daring si Luis dito.
“Sobrang daring po ang karakter ni James dito coming from mainstream dito ibang-iba rin talaga ‘yung dynamic sa kalakaran ng indie film, so, and I’m truly grateful na nu’ng una medyo culture shock pero excited ako sa pagka-culture shock ko na ‘yun kasi malayung-malayo kung paano paano tumatakbo ‘yung mga eksena sa mainstream at pagka-indie film.
“Tapos heto pa daring scenes, it is a well written film na hindi lang puro sex, it’s not like porn. You have to watch the film from start to finish para maintindihan mo ‘yung istorya, bawa’t rekado ng bawa’t karakter dito,” paliwanag ng baguhang aktor.
At dahil “Palitan” ang titulo ng pelikula ay natanong kung okay sa kanila na magkaroon ng one-night stand sa past girlfriend considering na may kasalukuyan siyang karelasyon ngayon.
“Kung real life po ang pag-uuapan, I guess hindi ko kayang gawin. I would find it against my moral compass ika nga. Talagang ‘yung respeto ko sa partner ko and I don’t see any benefit from it to be honest, so, it’s not a doable thing para sa akin,” katwiran ni Luis.
Ibang-iba ang “Palitan” sa mga nagawa ni Luis kaya hindi ba siya masisisita ng pamilya niya lalo’t kilala ang mga Hontiveros sa larangan ng musika tulad ni Sen. Risa Hontiveros na dating theater actress at miyembro rin ng Repertory Philippines noong kabataan niya.
Ang sagot ng aktor, “Sa akin po hindi ko pa po sinasabi (sa pamilya). Ang kuwento ko lang sa nanay ko sexy drama. Hindi naman na po ako pagagalitan, I’m old enough.
“I’m just trying to build my career as an actor at alam din po nila ‘yung passion ko sapag-arte and this is just another role na malalagay natin sa experience natin as an actor and I like any other family alam ko magiging supportive naman at the end of the day,” aniya pa.
May mga kapatid na babaeng teenagers si Luis kaya papayuhan niya ang mga ito na huwag panoorin ang pelikula nila.
May ideya naman na raw ang pamilya niya kung ano ang mga ginagawa niya dahil may mga post naman siya sa social media na nagpapakita ng skin.
“Wala naman po silang reklamo and ang aking mga tita rin ay performers din naman sila, they are artists themselves before din naman so naintindihan din naman nila so no judgment across any roles, so, I guess they’ll be supportive of it.
“Yun nga lang ako po ‘yung una na sumabak bilang sexy actor. So, depende kung makapag-reunion kami like Christmas gatherings tingnan natin kung may sermon o wala,” nakangiting paliwanag ng aktor.
Anyway, ang pelikulang “Palitan” ay sinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio at idinirek ni Brillante Mendoza for Viva Films na mapapanood na sa Dec. 10 sa Vivamax.