BTS
TRENDING na naman sa social media ang sikat na sikat na K-pop boy group na BTS matapos humakot ng tropeo sa 2021 American Music Awards (AMA) ngayong Lunes.
Nagpipiyesta na naman ang milyun-milyong fans ng all-male Korean group sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa bago na namang bonggang achievement ng kanilang mga idolo.
Bukod sa natanggap na top award na Artist of the Year sa 49th AMAs, ang BTS din ang nakapag-uwi ng trophy for Favorite Song category para sa kanta nilang “Butter” pati na ang Favorite Pop Duo/Group award.
Agad na naging top trending topic sa Twitter ang hashtag #BTSxAMAs kasunod ang mga post na “Artist of the Year” at “Congratulations BTS.”
Ilan sa mga superstars na tinalo ng BTS sa 49th AMAs (hosted by rapper Cardi B) ay sina Ariana Grande, Drake, Olivia Rodrigo, Taylor Swift at The Weeknd.
Ayon kay Kim Nam-Joon o mas kilala bilang RM, “We’re just a small boy band from Korea which just united by the love of music and all we want to do is spread good vibes.
“We’re truly honored to be on this stage with such amazing, tremendous artists.
“It’s been a long and amazing ride, nobody could have ever bet on the odds of us standing here and receiving this award, except you all,” ayon pa kay RM na ang tinutukoy ay ang kanilang mga fans.
Sey naman ni J-Hope said, “Thank you ARMY, and thank you AMAs so much for this. For three years in a row, wow!”
Ito naman ang mensahe ni Jin, “This is all possible thanks to ARMY. You’re our universe.”
Pahayag naman ni Jungkook, “We just wanted to make people happy with our music. We believe that this award opens the beginning of our new chapter. In the past few years, we learned that each and every moment is precious.”
“I’m deeply touched by this award. I appreciate your love. Thank you ARMY, thank you AMAs. Thank you, we purple you!” ang pahayag naman ni V.
Nag-perform din ang Korean group sa nasabing event kasama ang Coldplay para sa super hit collab nilang “My Universe.” Kinanta rin nila sa bandang ending ng awards night ang “Butter”.
May siyam na tropeo na ang hit K-pop boy band mula sa American Music Awards simula pa noong 2018.
Samantala, big winner din si Taylor Swift sa naganap na awards night kung saan siya ang nanalong Favorite Female Artist at Best Pop Album para sa kanyang lockdown album na “Taylor Swift: evermore.”
“I’m so lucky to be in your life and to get to have you in mine,” ang bahagi ng mensahe ni Taylor Swift sa kanyang video acceptance speech.
Ang mga nominado sa taunang AMAs ay ibinase sa Billboard music chart performance, streaming and album sales, radio play and social media engagement, at ang lahat ng winners ay pinili ng mga fans sa pamamagitan ng online voting.
https://bandera.inquirer.net/292184/arci-proud-army-lumipad-pa-korea-makanuod-lang-ng-concert-at-pumila-ng-5-oras-para-bumili-ng-bts-merch