Kim naiyak nang regaluhan ni Vicki Belo ng mamahaling pink bag; na-shock sa ‘ref raid’ vlog

Kim Chiu at Vicki Belo

ISANG on the go pink bag na Louis Vuitton ang advance Christmas gift ni Dra. Vicki Belo kay Kim Chiu nang i-raid ng TV host-actress ang kanyang malaking refrigerator na punumpuno ng imported chocolates.

Napa-“oh my God!” at halos maiyak si Kimmy nang ibigay sa kanya ni Dra. Vicki ang malaking kahon ng Louis Vuitton na sabi muna ng huli na, “Everytime I see you meron ka ng bagong bag, bagong everything, so, sabi ko sana wala pa siya nito.”

Sa YouTube channel ni Kim na in-upload niya Linggo ng hatinggabi, sinabi ng aktres na patungo siya sa bahay ng tinaguriang beauty of the stars na may mahigit dalawang dekada na.

Base sa kuwento ng aktres habang nasa loob ng sasakyan, “Noong bata ako pinapanood ko ‘yung Kris And Korina (Morning Girls, 2002) ba ‘yun, Kris TV o Boy And Kris na ni-raid nila ‘yung ref ni Dra. Belo at punumpuno ng chocolates, ibat- ibang klase ng chocolate. 

“Ngayon medyo kaya ko nang pumunta sa bahay ni Dra. Belo, yes friends kami, close kami (muwestra), so ako mismo titingnan ko kung ano talaga laman ng ref niya siyempre now with Scarlet and Doc Hayden (Kho). Ano kaya ang laman ng ref ni Doc Belo na as years pass by,” ani Kim.


At nakarating na nga sa bahay ng cosmetic surgeon si Kim at pagkatapos kumain ay inamin niyang hindi pa siya artista ay pangarap na niyang makita ang laman ng refrigerator ng mommy ni Scarlet Snow.

“Ngayon Kim Chiu na ako nakarating na ako, wow! I work so hard para makarating talaga dito,” paulit-ulit na sabi ng dalaga.

Ayon naman kay Belo ay walang pagbabago all those years dahil mahilig pa rin siya sa chocolates na pawang imported at super mahal tulad ng dark and mild chocolates na ilang boxes na nagustuhan ni Kim.

“Hala, imported hindi mga flat tops lang. Ha-hahaha!” bungad nito.

“Ito ‘yung favorite ko Kim, galing Paris ‘yan (sabay abot ng kahon).  Ang ginawa ko para hindi ako masyadong tumaba since mahilig ako sa chocolates pinapamahal ko nang pinapamahal ang chocolate,” simula ni Doc Vicki.

Tinanong naman ng aktres kung magkano ang isang box, “Naku ang isang (piraso) chocolate na ‘yan ay 6 euro times 60, so, P360 isang piraso,” kaswal na sabi nito kay Kim na na-shock talaga.

Dagdag pa, “So hahatiin ko sa apat, kasi di ba pag sinful chocolates parang isang (kainan), so ako savor na savor.”

Hanggang sa hindi na nakatiis ang  dalaga at nagsabi ng, “Puwedeng humingi, Doc?”

Dito na ikinuwento ni Doc Belo na ang dark chocolates ay anti-depressant, anti-oxidant para bumata at nakakaenggayo ng sex. Napahiyaw naman si Kimmy ng, “Oh! Wow!” sabay pose.

“Ikaw mahilig ka ba (chocolates) o nakikisawsaw ka lang?” tanong kay Kim.

“Gusto ko lang pong maging doctor Belo (sabay soli ng isang box),” sambit ng dalaga.

May nakita rin si Kim na korteng sapatos na chocolate at freebies daw iyon dahil sa rami ng binili ni Doc Belo.

May mga nakita rin siyang hindi pa bukas na kahon ng chocate na ipinangreregalo naman daw ni Dra. Belo.

Base sa ipinakita ni Kim sa YT channel niya bukod sa giant double door refrigerator ay may isa pang katulad nito na nasa dirty kitchen na punumpuno rin ng imported chocolates.

“Puwede ba akong makitira dito?  Kaso hindi talaga ako papayat dito,” birong-seryosong sabi ni Kimmy.
https://bandera.inquirer.net/281138/vicki-belo-hindi-kinukunsinti-ang-mga-adik-sa-retoke-umaming-biktima-rin-ng-pambu-bully
https://bandera.inquirer.net/294886/wewearpink-celebs-nagparamdam-ng-suporta-kay-vp-leni-sa-pagtakbo-sa-2022

Read more...