Bitoy: Kilala n'yo naman si Paolo, strong talaga yun...madali siyang maka-recover | Bandera

Bitoy: Kilala n’yo naman si Paolo, strong talaga yun…madali siyang maka-recover

Ervin Santiago |November 22,2021
facebook
share this

Bitoy: Kilala n’yo naman si Paolo, strong talaga yun…madali siyang maka-recover

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 08:25 AM

Paolo Contis at Michael V

PAYAG na payag ang Kapuso actor na si Paolo Contis na magamit sa mga susunod na episode ng Kapuso gag show na “Bubble Gang” ang mga kontrobersyang kinasangkutan niya nitong mga nakaraang linggo.

Hindi naka-attend ang ex-partner ni LJ Reyes sa virtual mediacon ng GMA para sa 25th anniversary celebration ng “Bubble Gang” dahil nasa lock-in taping pa siya ng seryeng “I Left My Heart In Sorsogon”.
Pero siniguro ng production ng programa, lalo ni Michael V na may partisipasyon pa rin ang komedyante sa kanilang anniversary special na mapapanood na sa Nov. 26.

Sa presscon nga ng longest-running gag show ng GMA ay natanong si Bitoy kung ano ang reaksyon niya sa sinabi raw ni Paolo na okay lang na paglaruan at gamitin nila sa next episodes ng show ang mga isyung kanyang kinasangkutan.

Kabilang na nga riyan ang mga hugot niya noong kasagsagan ng break-up nila ni LJ pati na ang pang-iintriga sa kanila ni Yen Santos na nadamay nga sa isyu.

“Yung text n’yo ba ni Paolo, as a friend lang yun,” ang simulang biro ni Bitoy.

Patuloy pa niya, “Kilala mo naman si Paolo, strong talaga, e. Madali siyang maka-recover.

“Hindi ko alam kung saan niya natutunan yun. Siguro dahil na rin sa dami ng challenges na hinarap niya sa buhay kaya tumibay siya na ganu’n.

“But we’re glad that he’s still on board and he’s really a strong asset for the show,” pahayag ng Kapuso comedian na siya ring creative head ng “Bubble Gang.”

View this post on Instagram

A post shared by Bubble Gang (@bubblegang)


Samantala, ang tema ng 25th anniversary ng Kapuso gag show ay “Ka-BUBBLE Mula Noon ‘GANG Ngayon”. Abangan daw kung sinu-sino sa mga dating kasamahan nila sa show ang bibisita para maki-celebrate sa kanila.

Sabi nga ni Cecille de Guzman, ang Senior Program Manager ng “Bubble Gang”, “It’s all about being together, yung lahat na sumuporta sa programa for the last 25 years.

“We want to celebrate that, to give back to them. We want to say, ‘importante kayo at inspirasyon kayo sa programa, kasi totoo naman yun,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, ka-join pa rin sa “BG” sina Betong Sumaya, Boy2 Quizon, Kim Domingo, Chariz Solomon, Arra San Agustin, Antonio Aquitania, Mikoy Morales, Archie Alemania at marami pang iba.

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending