Robi Domingo
KNOWS n’yo ba na araw-araw uma-attend ng Holy Mass ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo noong kanyang kabataan?
Naibahagi ng binata sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na naging sakristan siya sa isang simbahan sa kanilang lugar.
Ipinost ni Robi sa IG ang isa niyang throwback photo kung saan nakasuot nga siya ng pang-sakristan kasama ang isang pari.
Aniya sa caption, “Team good boy. When I was in High School, I used to attend daily Masses before the beginning of classes. Eventually, I became a sacristan.”
In fairness, pinusuan at ni-like ng mga netizens ang pa-throwback ng binata at halos lahat ay nagsabing talagang maswerte ang babaeng mapapangasawa ng binata dahil bukod sa talentado at gwapo, napakabait at responsableng lalaki rin ni Robi.
Kung matatandaan, noong naging housemate ang TV host sa second season ng “Pinoy Big Brother Teen Edition Plus” ng ABS-CBN 13 years ago ay nasabi niyang Religion at Social Studies ang mga favorite subject niya sa school.
Involved din daw siya noon sa sports sa kanilang school tulad baseball at track and field.
Isa pa sa hindi malilimutan ni Robi noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya bilang “The True Blue Atenean of Quezon City” ay nang isakripisyo niya ang pag-attend sa kanilang high school graduation kapalit ng pagpasok sa “PBB.”
Samantala, isa si Robi sa mga celebrities na talagang naglaan ng panahon at nag-effort para hikayatin ang mga kabataan na magparehistro para makaboto xa 2022 elections.
Naniniwala si Robi na malaki ang maitutulong ng mga botanteng kabataan sa inaasam na pagbabago ng milyun-milyong Filipino. Isa sa mga adbokasiya niya ay ang mas epektibong batas para sa proteksyon ng kalikasan.
“My advocacy is about pragmatic sustainability. It just originally stems from I’m very kuripot. I’m sure lots of people in my life know that.
“The thing is, I got this show called Lakwatsero and I was exposed to different environments especially here in the Philippines and my gosh, ang ganda ng Pilipinas. I got to be on top of Mt. Apo.
“I got to go to Moalboal and different, beautiful places in the Philippines. And sayang kung sisirain lang.
“And naisip ko being this kuripot being, in the process you could save more and you can save the planet. So yun ang naisip ko,” pahayag ni Robi sa isang panayam.
Aniya pa sa isang hiwalay na interview, “What I want to point out is two things, number one is what we’re experiencing right now is really the effects of climate change.
“So, in the long run, marami pang mangyayaring ganito if we don’t stop our ways, if we don’t change our lifestyle, if we don’t have environmental policies.
“So kailangan magbago na yun. Yung nangyari dati sa Ondoy parang part two ito, eh. Mangyayari lang ulit yan kapag hindi tayo nagbago.
“So, we have to do something about our environment right now and another thing is you better register to vote.
“Lalung-lalo na sa mga kabataan. You have to do that. You have voting power. You have your choice,” diin pa niya.
Paalala pa niya sa lahat ng botante, huwag nang magpabudol sa mga kandidatong puro salita lang at pangako, “Sana pagdating ng eleksyon, kung sino man ang na-add to cart mo, perfect fit siya sa ’yo at sa values mo.”
https://bandera.inquirer.net/285091/robi-umaming-selosong-dyowa-parang-napapraning-ako
https://bandera.inquirer.net/285507/robi-maiqui-naging-magdyowa-dahil-kay-piolo-we-owe-him-everything