Paolo Contis, Boy2 Quizon, Betong Sumaya, Kim Domingo at Michael V
ANO nga ba ang sikreto ng award-winning Kapuso gag show na “Bubble Gang” at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong tinututukan ng Kapuso viewers.
Ngayong darating na Biyernes, Nov. 26, ay mapapanood na ang silver anniversary special ng “Bubble Gang” kasama pa rin ang inyong mga favorite ka-Bubble sa pangunguna pa rin ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V..
Sa ginanap na virtual mediacon ng GMA kamakalawa para sa 25th anniversary ng programa, sinabi ni Bitoy na wala naman silang itinuturing na sikreto sa “staying power” ng “BG.”
“Wala talagang sikreto, no formula. May sinusunod lang kami na formula na set-up plus punchline equals funny,” sabi ng comedian at TV host.
Feeling niya, ang isa sa mga factor kung bakit hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang “Bubble Gang” ay dahil nag-eenjoy din ang buong tropa sa bawat episode na kanilang ginagawa.
Sabi pa ni Bitoy, ang pilot episode nila ang pinaka-memorable experience niya sa show dahil ito yung araw na talagang kinarir nila ang bawat eksena para magmarka sa viewers.
Ani Michael V, ang nasa isip lang daw nila noon ay ang makakuha ng mataas na rating without knowing na hindi na pala sila nag-eenjoy, “We were all thinking about working and working…it was a learning experience for me because it turns out (hindi pala yun ang) formula.”
“At that time, we were really difficult to ourselves. We’re trying so hard to be objective, we forgot to have fun with it. The objective wasn’t just to give fun to others but also have fun as well,” paliwanag pa niya.
Nu’ng una ang wish daw talaga ng buong produksyon ay maging longest running at best comedy show ang “Bubble Gang” na nabigyan naman ng katuparan dahil 25 taon na silang namamayagpag ngayon sa GMA
“We couldn’t have done it ourselves. Marami rin naging part ng ‘Bubble Gang’ na naitulong sa success ng show,” sabi ni Bitoy.
Iniaalay din nila ang silver anniversary ng “BG” sa kanilang loyal Kababol viewers na mapapanood na nga sa darating na Biyernes.
“Hindi namin nakakalimutan na ginagawa namin ito para sa mga loyal supporters ng show and isa sa mga pinu-push namin for this anniversary presentation is sila naman ang mapagbigyan, sila naman ang marinig, at sila naman ang mai-feature,” mensahe pa ni Bitoy.
Samantala, umaasa naman sina Bitoy na darating din ang araw na muling magkakasama-sama ang lahat ng cast and crew ng “Bubble Gang” sa kanilang studio.
Ngunit sabi ng komedyante, napakarami rin nilang natutunan sa work from home set-up ngayong panahon ng pandemya.
“At this point nga, parang na-exhaust na namin ang lahat na paraan para ma-maximize namin lahat na work from home na yun.
“As you can see, marami na sa cast ang nagsu-shoot sa studio. Ang plano eventually, lahat ng cast, makabalik na sa studio.
“Pero this has been the challenge sa lahat, not just for the creative team, kundi pati sa cast na nagsu-shoot from home.
“Natuto kaming maging director, cameraman, lightman, production designer, make-up artist, wardrobe consultant, dito sa pandemic na ‘to. For me that’s a big plus, hindi mo na maalis yun, e.
“Once na mabalik na yung new normal, I’m pretty sure mas marami na kaming maihahain sa inyo,” pangako pa ng Kapuso comedy genius.
https://bandera.inquirer.net/295102/tropa-ng-bubble-gang-na-starstruck-kay-bea-grabe-ang-galing-galing-niya
https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no