Rayver kay Julie Anne: You bring out the best in me

Rayver kay Julie Anne: You bring out the best in me

TULOY ang buhay para kay Kapuso star Rayver Cruz sa kabila ng bali-balitang paghihiwalay nila ng longtime girlfriend na si Janine Gutierrez.

Bagamat wala pa ring kumpirmasyon ang balitang ito mula sa dalawa, mukhang totoo ang balita dahil kapansin-pansin na wala na ang mga litrato ni Rayver kasama si Janine sa kanyang Instagram account.

Pero ang latest Instagram post nito ang nakapukaw ng aming atensyon.

Ito ay litrato nila ni Julie Anne San Jose kung saan tila kuha habang nagsasayaw sila para sa “Limitless Part 2: Heal”.

“I really feel honored to be part of Limitless Part 2: Heal and perform with such a talented artist, @myjaps.

“As always, you bring out the best in me. Nakakahawa naman kasi talaga ang energy and passion mo. Napakaprofessional pa. Limitless ka talaga!” saad ni Rayver.

Binati rin niya ang singer-actress in advance dahil paniguradong magiging successful ang kanyang show.

“Congratulations in advance and cheers to the success of your show jules! Keep the fire burning jn you and God bless you always,” dagdag pa ni Rayver.

Nagreply naman si Julie Anne sa post ng “Salamat.”

Nagpakita rin ng suporta si Rodjun na nakatatandang kapatid ni Rayver.

“Excited ko ng mapanood bukas! Congratulations in advance Clash Masters. Madami na naman kayong mapapsaya at mai-inspire sa inyong God-given talents. God bless.”

May mga netizens naman ang hindi napigilan ang kanilang kilig at sinasabing bagay na bagay ang dalawa.

Bago pa man ang “Limitless Part 2: Heal” ay magkasama na sina Rayver at Julie Anne sa mga Kapuso shows na “The Clash” at “All-Out Sundays”.

Mapapanood na ang “Limitless Part 2: Heal” ngayong araw, November 20. Available pa rin ang tickets sa gmanetwork.com/synergy.

Related Chika:
Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend

Read more...