Jackie Forster umalma sa post ng media website na ‘pasaway’ si Kobe Paras

Jackie Forster umalma sa post ng media website na 'pasaway' si Kobe Paras

UMALMA ng dating aktres na si Jackie Forster ang kanyang anak na si Kobe Paras laban sa akusasyon patungkol sa pagiging “pasaway” raw nito kaya may tsansa na hindi i-renew ang kontrata ng binata sa Japan B. League.

Kasalukuyang nasa Japan si Kobe dahil isa ito sa mga basketball players ng Niigata Albirex BB.

“PASAWAY???

Dahil umano sa pagiging matigas ang ulo, malamang na hindi i-renew si Kobe Paras ng Japan B-League team na Niigata Albirex BB.

Nagagalit kapag pinapalitan. Ayaw sumunod sa play. Hindi team player at tamad dumepensa ang ilan lamang sa nga reklamo sa 2nd generation cager,” ito ang nakasulat sa social media post ng media website patungkol kay Kobe Paras.

Kaya naman bilang ina ay agad na nabahala si Jackie nang makita ang balitang ito dahil maaari itong makasira sa reputasyon ng kanyang anak.

Posible makaapekto kay Kobe ang matinding akusasyon na ito laban sa kanyang pagkatao kaya naman hinamon niya ang mga nasa likod ng media website na pangalanan ang source nila, ani Jackie.

“Please share your source, I’m curious as to whom would say this all the way from Japan that would be willing to jeopardize what they have been working on. I’d like to speak directly to that person with Kobe’s agent,” matapang na saad ni Jackie Forster.

“Otherwise please don’t post things that could potentially taint or scar a person’s reputation and mindset,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan naman ni Jackie ang admin ng nasabing media website.

“Rumors destroy people. Specially their mental health. You may hear from my lawyer if you cannot prove accusations you post on social media. I will be checking my inbox regularly.”

Setyembre 2021 nang pumirma si Kobe ng kontrata sa Niigata Albirex BB at nagsimula siyang maglaro sa Japanese B-League noong Oktubre 2021.

Related Chika:
Jackie Forster super proud kina Andre at Kobe: Hindi sila nagpaapekto sa mga haters!

Read more...