Niña Jose, Mayor Cezar sumabak sa ‘lie detector challenge’, sino nga ba ang mas honest?

Niña Jose, Mayor Cezar sumabak sa 'lie detector challenge', sino nga ba ang mas honest?

NAGLABAS ng vlog ang mag-asawang sina Mayor Cezar Quiambao at dating aktres na si Niña Jose bilang selebrasyon ng kanilang wedding anniversary at pati na rin ng kaarawan ng alkalde ng Bayambang, Pangasinan.

Sumabak ang dalawa sa lie detector challenge upang subukin kung sino ang mas honest sa kanilang dalawa.

Ngunit base nga sa Facebook post caption ni Niña, “the game is not a real measure of our trust and loyalty to each other. Cezar and I are always honest and will always love each other no matter what the lie detector says.”

Umpisa pa lang ay panay na ang tawanan ng dalawa dahil may pustahan raw sila.

“Alam n’yo mahirap tong pinasukan ko ngayong gabi pero anyway, all is fair. Mayroon kaming pustahan na kapag natalo siya, I will not bring her to Manila Peninsula anymore,” saad ni Mayor Cezar.

Natawa naman si Niña sa sinabi ng asawa.

Tila mga bata na nagkukulitan ang dalawa habang nagpapalitan ng tanong.

“Do you still think of the people who hurt you in the past? Meaning your exes?” mataray na tanong ni Niña.

“No more. Once you’re done, you forgot everything,” depensa naman ni Mayor Quiambao.

“Baka mag-away po kami after this game,” natatawang saad naman ni Niña.

Lie naman ang lumabas kaya naman panay ang pang-aasar ni Niña sa asawa.

“Do you trust me?” ganting tanong ni Mayor Quiambao.

“Yes, I do trust you,” sagot ni Niña.

Kaya naman proud ang dating actress nang sumang-ayon sa kanya ang lie detector.

Sa sumunod na tanong ay tila tuwang tuwa naman si Niña sa kanyang napili.

“Would you feel jealous if I talk about my exes?” tanong ni Niña.

“No,” walang reaksyong sagot ni Mayor Cezar na siyang kinontra ni Niña.

“E bakit bumili ka ng chopper?” natatawang usisa ng dating aktres sabay yakap sa asawa.

“It’s for my use,” sagot ni Mayor Cezar ngunit lie ang naging resulta.

Naging mahaba naman ang talakayan ng dalawa nang tanungin ni Niña ang asawa kung na-inlove na ba ito sa isang kaibigan bukod sa kanya.

Tila nahirapan namang sagutin ni Mayor Cezar ang tanong at matagal na nag-isip.

“Aminin mo na ‘yung totoo. Kasal na tayo. Bakit di mo masabi?” namimilit na saad ni Niña.

“Wala akong maalala. Ikaw lang ‘yun. Ikaw lang talaga from friends to lovers,” sey ni Mayor na nagpakilig kay Niña at sa mga nakarinig.

Tila nanalo naman sa lotto si Mayor Cezar nang mag-agree ang lie detector sa kanya.

Sa huli ay naging seryoso na ang dalawa nang matapos ang laro.

“I’m very thankful. Honestly, Cezar is really God’s gift to me kasi I always say this, kung wala si Cezar sa buhay ko, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.

“He saved me. I really really am thankful to God. He made my dream come true, to have my own family and there’s nothing more that I can pray or asked for because I am really really blessed with such a wonderful life, wonderful husband, wonderful son, wonderful family,” mensahe ni Niña para sa asawa.

Nagpasalamat rin naman si Mayor Cezar sa kanyang asawa.

“I really thank Niña for giving me a very colorful life and also she has been taking care for me and she’s always there for everyone especially me. She really brought happiness in my life.”

Si Niña Jose ay nakilala sa showbiz matapos itong sumali sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong 2001.

2017 naman nang ikasal sila ni Mayor Cezar Quiambao at ngayon ay may isa na silang anak na si Antonio Quiambao.

Related Chika:
Iwa ipinagtanggol si Lacson sa patutsada ni Duterte; Niña ibinandera ang pagmamahal kay mister

Read more...