Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao
POSIBLE pa kayang magkabalikan ang nagkahiwalay na celebrity couple na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich?
Yan ang tanong ng kanilang mga fans and supporters matapos ngang kumpirmahin ng dating magdyowa na nauwi rin sa wala ang ilang taon din nilang relasyon.
Sinagot naman yan ni Alodia while streaming League of Legends: Wild Rift sa kanyang Facebook page mula sa Los Angeles, California.
Ayon sa sikat na cosplayer, ilang beses na raw silang nag-cool off ni Wil dahil sa hindi nila pagkakasundo sa ilang mga bagay bilang magdyowa hanggang sa magdesisyon na nga silang maghiwalay.
“Meron pa bang comeback? We don’t know. I mean, nakailang comeback na kasi. But you know, things happen for a reason, I guess. Kapag hindi talaga, not meant to be,” paliwanag niya.
Paliwanag pa niya, wala siyang intensyong sirain o ipahiya ang dati nakahiwalay na boyfriend, “Hindi ko naman ine-expect na kung saan-saan mapupunta ‘yung news. I just wanted the truth to come out na, ito ‘yung situation ngayon and stuff.”
“I hate lying, to be honest. And every time may nagtatanong na, ‘Kayo pa ba?’ Siyempre I don’t want to lie.
“It’s been a while na rin naman. Saka ‘yung mga na-upload, mga late uploads lang ‘yon kaya I guess it made it seem na parang kami pa rin,” sabi pa ni Alodia.
Nais din niyang sabihin sa lahat ng kanyang supporters na walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil okay naman siya at nasa proseso na rin ng pagmu-move on.
“Me? I’m not sad, I’m just tired. Yung buong situation, I know it’s kind of sad, but I’m over that. Natanggap ko na siya and I’m okay,” aniya pa.
Paliwanag pa ng dalaga, “To be honest, hindi naman perfect ‘yung relationship namin eh. It just looks like it kasi siyempre edited ‘yung mga vlogs or whatnot. Pero behind the scenes, it’s different, I guess.”
At sa mga nagtatanong naman kung bakit ayaw pa niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya?
“I’m very happy with what I’m doing. Each person, each individual has different definitions of happiness. So for me, my happiness is my work. Through my work, I am able to give creators or gamers a career, so sobrang nakakataba ng puso ‘yon.
“Maybe other people’s happiness is to create a family. Pero ito po ang family ko kasi here, we all belong and we don’t feel like outcasts. Kasi people understand gaming, cosplay, lahat ng mga geek stuff na ganyan.
“I know time flies pero ‘yun nga, ayokong magkamali ng decision. ‘Yun na lang. Until mahanap ‘yung tamang tao, I guess the right person and the right time,” katwiran pa ni Alodia.
https://bandera.inquirer.net/297810/alodia-sa-paghihiwalay-nila-ni-wil-hindi-po-ito-prank-i-wish-it-were-but-no
https://bandera.inquirer.net/297688/alodia-gosiengfiao-wil-dasovich-naghiwalay-na-wala-na-kame