Angel may pa-surprise birthday party kay Dimples: Salamat mars ko, super sarap ng food!

Dimples Romana, Angel Locsin at Charlie Dizon

SUPER thankful ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa pa-surprise ng kanyang BFF na si Angel Locsin para ika-38 niyang kaarawan.

Talaga raw gumawa ng paraan ang si Angel para mai-celebrate ang kanyang birthday this year kahit sa pamamagitan lang ng isang simpleng salu-salo pero punumpuno ng sinseridad at pagmamahal.

Sa kanyang Instagram page, nagpasalamat si Dimples kay Angel kalakip ang ilan nilang litrato na kuha sa naganap na selebrasyon. Sa totoo lang daw, hindi talaga niya inasahan na may inihandang sorpresa ang kaibigan para sa kanya.


Base sa mga nakita naming pictures sa IG ni Dimples, present sa kanyang birthday party ang asawa niyang si Boyet Ahmee, si Angel at ang mister niyang si Neil Arce at ang Kapamilya young actress na si Charlie Dizon na kasama ni Dimples sa seryeng “Viral Scandal.”

“So this happened. Salamat mars ko, super sarap food … and may kakanin pa and cakes at balloons na sure akong binusisi pa ni Gel ang pag-ihip,” ang caption ni Dimples sa ipinost niyang mga litrato sa IG.
https://bandera.inquirer.net/279469/dimples-romana-24-years-na-sa-showbiz-may-promise-sa-mga-batang-artista
Dagdag pa niyang mensahe, “LOVE YOU SO MUCH, mars and Neil. Truly a birthday I will remember.”
Sey pa ng aktres, isinabay na nila ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa “watch party” para sa pilot airing ng bago nga niyang serye na “Viral Scandal”.

“Definitely the best watch party company for our official pilot episode airing of #ViralScandal kagabi,” ang isinulat pa niya sa caption.

Nauna rito, nag-post din si Angel ng birthday greeting para kay Dimples sa kanyang Instagram account. Aniya, “Treating you to manggang hilaw many years ago, was one of the best decisions I ever made. After all these years, going strong pa rin tayo.

“Seriously, you know how much I love you and I’ll always have your back no matter what. I’m proud to call you my best friend. Happiest birthday to the best! Love you,” mensahe pa ni Angel sa kaibigan.
https://bandera.inquirer.net/290330/angel-humirit-tungkol-sa-pagpapakasal-ni-kathryn-dimples-may-warning-sa-kathniel-wedding

Read more...