#Kabogera: Maymay kinarir ang pagte-training para maging biritera

Maymay Entrata

PINAGHIRAPAN nang bonggang-bongga ng Kapamilya young actress at recording artist na si Maymay Entrata ang napakataas na timbre ng boses niya ngayon.

Hit na hit ang latest single niyang “Amakabogera” na ni-release lamang ngayong buwan na sinundan pa ng kabogerang live performance niya sa Wish 107.5 Bus na malapit ng umabot sa 4 million views sa YouTube.

Reaksyon ni Maymay dito, “Hindi ko in-expect yung nagustuhan nila yung tono, yung kanta. Pero yung naiintindihan nila yung bawat lyrics dun sa kanta, naiintindihan nila yung mensahe na pinapahiwatig sa mga listeners, du’n ako mas natutuwa. 

“Kasi siyempre parang minsan may mga insecurity tayo tapos dapat sana itong ‘Amakabogera’ ay makatulong at maka-boost ng confidence n’yo. At sa nakikita ko naman Diyos ko ang dami namang sumuporta sa ‘Amakabogera’ at ginamit yung kanta ko,” ang chika pa niya sa presscon ng kanyang “MPowered” online concert.

Alam n’yo bang hindi agad pumayag si Maymay na mag-perform nang live sa Wish Bus dahil wala pa raw buo ang kanyang confidence bilang singer.

“Nu’ng una nagdadalawang-isip ako kasi inisip ko handa na ba ako? Kasi yung totoo guys Diyos ko, yun ata yung pinakaunang live ko na hindi taping. Kasi radio yun eh, kaya live na live yun. 

“Kinakabahan ako hanggang ngayon kapag naiisip ko yun pero thankful ako dahil nga naging successful din yun at umabot na sa point na hindi na ikakahiya, dapat i-embrace ko na ‘to. 

“Pero gusto kong malaman nila na hindi naman ako agad-agad naging confident at ganito na. May proseso yun. At yung prosesong yun ay nag-reachout ako sa mga taong eksperto sa pagko-coach ng pagkanta. Kaya masaya ako. Sobrang saya,” pahayag pa ng dalaga.

Sey pa ni Maymay, talagang nag-voice lesson siya para mabigyan niya ng hustisya ang “Amakabogera”.

“Para mas ma-enhance yung boses ko. Kasi nga akala ko after ng concert ko last 2019 akala ko yun na yun, eh. Kasi nga hindi ko pa na-e-embrace, yung fans yung hindi sila tumitigil na maniwala sa akin,” pag-amin pa niya.

Proud na proud naman siya ngayon dahil sa tagumpay ng bago niyang kanta kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng bumati at naka-appreciate sa music niya.

“Yes kasi yung ‘Amakabogera’ ginawa yun para sa akin. So nu’ng una ko siyang napakinggan sabi ko napakaganda nitong kanta na ‘to. Pero ang tanong, kaya ko ba? Kakayanin ko ba? Sobrang birit, sobrang taas. 

“Sa lahat yata ng kinanta ko yun ata pinakamataas. Hinigitan pa yung ‘Kakayanin Kaya’. Tapos doon na ako nag-decide na hindi na puwede yung puchu-puchu ito, kailangan ko na makawala dun sa hiya ko when it comes pag kumakanta ako. 


“Parang sabi ko, ‘Lord, paano ba?’ Para pala ma-achieve mo yung pagiging confident mo sa pagkanta, paghirapan mo siya talaga.

“So ayun nag-seek na ako ng help and then sobrang worth it kasi ang dami kong natutunan kay Ms. Jade at mas madami pa akong matututunan when it comes to mas mabuhay pa yung kanta. 

“Kaya sobrang masaya, sobrang nakakatuwa, sobrang worth it na nakita ko nga yung live ko sa pag-pe-perform ng ‘Amakabogera’ kasi nabigyan ko ng hustisya yung kanta. Masayang masaya ako na ipinagkatiwala nila sa akin ito,” lahad pa ng singer-actress.

Samantala, tuloy na tuloy na nga ang kanyang digital concert titled “MPowered” streaming exclusively on KTX.ph on Nov. 26, with a re-run on Nov. 27. 

Kabilang sa mga magiging guests niya ay ang kabogera’t kabogero ring sina AC Bonifacio, Darren Espanto, Mimiyuuuh at Nyoy Volante. Available na ang ticket sa KTX.ph.
https://bandera.inquirer.net/291632/maymay-hindi-payag-na-magpakita-ng-motibo-sa-taong-gusto-nya-ayaw-kong-manligaw-kahit-hindi-ako-kagandahan-bahala-kayo-dyan

Read more...