Sid nanligaw noon kay Iya, si Drew ang naging ‘tulay’

Iya Villania, Drew Arellano at Sid Lucero

KNOWS n’yo ba na naging tulay pala si Drew Arellano sa panliligaw noon ng isang kilalang aktor na mula sa sikat na showbiz clan kay Iya Villania? 

Palaging naikukuwento ng mag-asawang Iya at Drew sa kanilang mga nakaraang interview ang tungkol sa mga artistang nanliligaw noon sa Kapuso TV host-actress.

At may pagkakataon pa nga raw na nagsilbing “tulay” ang kanyang mister sa isa niyang suitor noong kabataan pa nila. Pero always pa-blind item ang kanilang mga paandar.

Sa isang episode ng Kapuso morning talk show na “Mars Pa More,” muling napag-usapan ang tungkol dito kung saan isa sa mga celebrity guest nila ay si Sid Lucero.

Nagtaka pa nga ang co-host ni Iya na si Camille Prats kung bakit may iniabot pa sa kanyang isang envelope kung saan nakalagay ang tanong para kay Iya.


Ang nakakalokang question: “Totoo ba na nanligaw si Sid sa iyo at si Drew ang naging tulay?
Sagot ni Iya habang tinatakpan ang kanyang mukha, “Oo!” Hindi rin napigilan ni Sid ang matawa sa reaksyon ng TV host-actress.

Sabi pa ni Iya, si Sid na raw ang magkuwento ng tungkol dito. Sey ng aktor, isa kasi si Drew sa mga malapit na kaibigan niya noong panahon na iyon.

Ngunit feeling niya, may iba nang nagugustuhan si Iya pero hindi pa niya ma-confirm kung si Drew nga iyon.

Kung matatandaan, sa isang episode ng Kapuso show na “Tunay Na Buhay,” naibahagi ni Iya na nagkakilala at nabuo ang loveteam nila ni Drew nang magkatrabaho sila sa youth-oriented show na “Click” sa GMA 7.

Dito, nabanggit pa nga ni Iya na noon pa lang ay gustung-gusto na niya ang personality ni Drew, na  inilarawan pa niyang “hindi malandi.”

“Hindi siya malandi. Minsan gusto ko ngang landiin niya ako pero hindi niya ako nilalandi. Si Drew puro kalabit na lang,” ang tawa nang tawang chika ni Iya sa nasabing panayam.

Aniya pa, “Meron kaming kaibigan, tapos dapat si Drew ‘yung magiging tulay. Tapos siguro doon na lang na-realize ni Drew na ‘Teka lang, eh type ko rin pala si Iya,’ feeling ko ha!”

Bukod dito, nabubuwisit din daw siya noon kay Drew dahil ang tawag daw kasi sa kanya nito ay “sis” kahit na feeling niya ay knows na ng TV host ang lihim niyang pagtingin.
https://bandera.inquirer.net/283027/iya-umaming-hindi-na-imagine-na-magpapakasal-kay-drew-kasi-hindi-naman-yan-yung-type-ko-mars

Read more...