Julia Montes, Sharon Cuneta at Coco Martin
“‘OH MY God! No, this is ‘Ang Probinsyano, you cannot say no to it.'”
Yan ang naging reaksyon ni Megastar Sharon Cuneta nang ipaliwanag kung paano niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN na maging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Nauna nang nabanggit ni Shawie na hindi naging mahirap para sa kanya ang magdesisyon na maging bahagi ng nasabing action-drama series na anim na taon na ngayong umeere.
Sa ginanap na virtual presscon kamakailan ng Dreamscape Entertainment para sa announcement ng pagpasok ni Mega sa “Ang Probinsyano”, sinabi ng movie icon na dream come true para sa kanya ang mapasama sa serye ni Coco.
“Right on the spot akong nag-desisyon. Tapos pinag-usapan na lang ‘yung details. But to me it was really also a dream come true. You know, you’re in a position to say, ”Wag na muna, papahinga na lang muna ako sa bahay kasi mahirap mag-taping tapos on location pa.’
“Pero ito talagang, ‘Oh my god. No, this is ‘Ang Probinsyano, you cannot say no to it.’ So it’s really an honor for me to be part of the cast,” pahayag ni Sharon.
Nasa Amerika siya noong matanggap niya ang offer, “‘Yung konsepto, ikinuwento ni Coco, parang inistorbo siya isang gabi, hindi siya makatulog, ako ‘yung naiisip niya na hindi niya alam kung bakit. Tapos 7 a.m., tinext na niya si Tita Cory (Vidanes, TV executive).
“Sabi niya, ‘Pwede po bang humingi pa ulit for Probinsyano? Pwede po bang mag-guest si Miss Sharon?’ Tapos sabi raw ni Tita Cory, ‘Ha? Oh sige, I’ll message her, I’ll ask her.’ So the message got to me. Sabi ko, ‘Sure.’ ‘Can you hear the story?’ ‘Sure, sure.’
“Nasa States pa ako that time. Tapos pag-uwi ko, doon kami nag-Zoom. And Coco was just, you know, dire-diretso. Ikinuwento niya, ‘Ito po ‘yung naisip kong role sa inyo. Hindi po ako makatulog nang isang buong gabi.’
“Tuloy-tuloy ang kwento niya, ‘yun pala hindi pa buo talaga, pero he was just coming out with it. Walang patid. I was so impressed. So sure, sure. Sabi ko nga kay Coco, kahit wala pa ‘yung istorya, tatanggapin ko naman ‘to.
“It’s so heartwarming and nakakataba nang puso to know na pinaghandaan ka, inalagaan ‘yung character mo, inalagaan ‘yung role mo. Walang butas talaga, lahat may koneksyon. ‘Yung hindi lang basta pinasok. So I’m very grateful for that,” aniya pa.
Sa tanong kung ano ang paghahandang ginagawa niya bago sumabak sa lock-in taping, “Actually it’s more mental and physical. ‘Yung ang tagal ko nang wala sa groove ng meron kang routine everyday na itong oras na ito gumigising ka.
“Ngayon kasi I’m a morning person, I used to be a night person. So now I wake up really early so I don’t see any problem pagdating doon. But ‘yung paghahanda, it’s more mental kasi I’ll leave my family again. Mental, emotional,” sabi pa ng award-winning singer-actress.
Ayaw munang sabihin ni Sharon kung ano ang magiging karakter niya sa teleserye, “Sabihin na lang natin na balik loveteam. Pero napakahaba ng flashback, kailangan pong abangan ninyo at panoorin. Napakahaba at lalim ng backstory namin so ‘yun lang. ‘Yun lang kaya kong sabihin.”
Samantala, natanong din kung sino pa sa cast ng “Ang Probinsyano” ang excited siyang makaeksena bukod kay Coco. Sagot ni Shawie, “Si Tommy Abuel. Because I worked with him in so many movies when I was younger.
“He actually made that line of Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning, ‘You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.’ That was Tommy Abuel’s line that he suggested to direk, and it became immortal ‘di ba?
“But lahat sila gusto ko makaeksena. From Tito Jaime Fabregas na nakaeksena ko sa Jack and Jill, to Michael de Mesa, Osang (Rosanna Roces), John Estrada, and Rowell (Santiago), siyempre, since I was 16. Direktor ko siya mostly pero ngayon lang kami mag-a-act together ulit.
“Tapos siyempre Coco, Julia (Montes), ‘yung mga hindi ko pa nakakaeksena. I look foward to doing scenes. Sana meron din kami ni ate Lorna Tolentino ‘no, kasi ang tagal na nung movie namin eh. But everybody sa cast, excited ako. Super. I mean, kung titingnan niyo sa cast, at kilala niyo ako, alam niyong mga kaibigan ko ‘to,” aniya pa.