Paulo kinumpirmang sa US na nag-aaral ang anak nila ni LJ; ibinandera ang namana ni Aki sa kanya

Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Aki

KINUMPIRMA ng award-winning Kapamilya actor na si Paulo Avelino na nag-aaral na ngayon sa Amerika ang anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

Ayon sa binatang ama, maayos ang co-parenting agreement nila ni LJ tungkol sa pagpapalaki sa kanilang anak at alam din niya ang mga kaganapan sa buhay ng bagets kahit nasa US na ito kasama ang inang aktres at kapatid na si Summer (anak ni LJ kay Paolo Contis).

Naibalita ni Paulo ang tungkol dito sa ginanap na virtual mediacon ng ABS-CBN para sa ikalawang season ng serye nila ni Janine Gutierrez na “Marry Me Marry You” kasama si Jake Ejercito.

Ayon kay Paulo, kung hindi lang siya magiging busy uli para sa taping ng kanilang romcom series ay pwede niyang dalawin ang 11 taong-gulang na anak sa Amerika.

“Medyo touchy topic na yan pero sa ngayon nasa New York din siya and happy naman siya. Nag-aaral na siya doon ngayon,” ang pahayag ni Pau.

“But we do phone calls every now and then kung kailan siya free since baliktad na rin yung oras. Minsan masyado na ring late para makausap ko siya. 

“Pero usually ang bonding namin parang gaming rin talaga. Kumbaga, parang mahilig din sa games yung anak ko. Siguro nagmana sa tatay,” kuwento pa ng aktor na bahagi na ngayon ng esports gaming industry bilang isa sa mga may-ari ng LuponWXC, isang locally based esports and streaming company. 


Sey pa ni Paulo, sana raw ay magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng sitwasyon sa Pilipinas ngayong medyo lumuwag na ang ipinatutupad na safety protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

“Masaya ako at gumagaan na rin yung mga cases natin and pati yung restrictions dito sa Pilipinas. But at the same time anxious pa rin ako lumabas at makihalubilo sa maraming tao,” sabi ng aktor.

Todo naman ang pasasalamat ni Paulo na naging matagumpay ang season 1 ng kanilang serye at sana raw ay tuluyan nang mawala ang network war para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga taga-TV industry.

“Ang ABS-CBN naman in the service of the Filipino people so hindi naman siguro nagma-matter kung Kapuso, Kapatid, or kung mga Koreanovela or kung mga Hollywood movies yung trip mo, as long as you’re a Filipino anywhere in the world, parang hindi naman masamang panuorin kami at tangkilikin yung programa ng mga istasyon na iba sa istasyon na kinalalagayan mo. 

“Dito sa season 2, ang surprise is kung magkakatuluyan ba yung mga karakter namin ni Janine or hindi. Kasi medyo grabe yung mga revelations na mangyayari na magiging hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa and also sa family so sana mapanuod ng mga tao yun,” chika ni Pau.

Samantala, tungkol naman sa working relationship nila ni Jake na gumaganap na “kontrabida” sa love story nila ni Janine sa serye, mas naging madali na rin daw gawin ngayon ang kanilang mga eksena dahil medyo gamay na nila ang isa’t isa.

Kapag daw oras ng pahinga, “Nagkukuwentuhan lang kami sa mga anak namin. Casual lang. Pero hindi naman nagko-compare notes. Nagkukuwentuhan lang sa mga ginagawa ng mga anak namin.” 

https://bandera.inquirer.net/291328/paulo-ipinakulam-daw-ng-galit-na-fan-parang-hindi-naman-effective
https://bandera.inquirer.net/296665/balikang-lj-reyes-paulo-avelino-posible-pa-kaya

Read more...