Nanay ni Ellen nag-sorry, may ginawa sa ‘first night’ ng anak at ni Derek bilang mag-asawa

Ellen Adarna at Derek Ramsay

WALANG “maaksyong” eksena sa unang gabi nina Ellen Adarna at Derek Ramsay bilang mag-asawa.

Ang dating sexy star mismo ang nagbuking na walang bonggang nangyari sa first night nila ng hunk actor as husband and wife na ikinasal nitong nagdaang Huwebes sa isang intimate outdoor ceremony sa Bagac, Bataan.

Kuwento ni Derek, kasama raw nilang natulog ang nanay ni Ellen sa kuwarto nilang mag-asawa sa kanilang wedding night. 

“Imagine, our wedding day … our wedding night ended where I slept with you and your mom,” ang panunukso ng hunk actor kay Ellen sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

Hirit namang sagot sa kanya ng asawa, “No action.”


Sey naman ni Derek sa kanyang mother-in-law, “Tita, thank you! I can see my future.”

Sa kanya namang Instagram story, ipinost ni Ellen ang screenshot ng text conversation sa pagitan ng kanyang mother dear at ni Derek. 

“She slept with us. She did. #MyMom,” sey ni Ellen sa caption na sinundan pa ng laughing emoji. 
Sa palitan ng mensahe ng aktor at ng nanay ni Ellen, natanong siya ni Derek kung ano ang feeling na ikinasal na ang kanyang anak na aktres. 

“So sorry Derek had to sleep in your room on your wedding night. LOL. The mom in law ohh my God kaloka,” ang reply ng mudra ni Ellen. 


Samantala, sa unang umaga naman nila bilang married couple, nag-share muli sina Derek at Ellen ng ilang litrato sa kanilang Instagram followers.

“Waking up to this beautiful woman every morning is such a blessing. I love you Mrs Ramsay,” ang caption ni Derek sa sweet photo nila ng kanyang wifey.

“Last night, I married the man of my dreams, affirmations and prayers,” ang mensahe naman na isinulat ng aktres sa bagong IG photo nila ng asawa.
https://bandera.inquirer.net/286078/derek-sa-tikiman-daw-nila-ni-ellen-walang-nangyari-sa-amin-not-even-until-naging-kami
https://bandera.inquirer.net/297438/confirmed-ellen-adarna-derek-ramsay-ikinasal-na

Read more...