MMFF 2021 Parade of Stars aariba sa Pasig River; Aiko gagawaran ng Dangal ng Lahi award

Aiko Melendez

BINATI namin ang kumakandidatong konsehala ng 5th District ng Quezon City na si Aiko Melendez dahil kasama ang pelikulang “Huwag Kang Lalabas” sa 47th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25 hanggang Jan. 7, 2022.

Kasama ng aktres sa pelikula sina Kim Chiu, Jameson Blake, Joaquin Domagoso at Beauty Gonzales mula sa Obra Cinema at idinirek ni Adolf Alix, Jr..

Hindi nakadalo ang aktres sa ginanap na announcement ng 2021 MMFF 8 official entries dahil abala raw siya sa pag-iikot sa Q.C..

Hindi rin kami sinagot kung sasakay siya sa float para sa taunang Parada ng mga Bituin na gaganapin sa Pasig River bilang kauna-unahang fluvial parade na sponsor ng MMDA headed by Chairman Benhur Abalos.

Wala kasing host city ngayong taon dahil na rin sa nag-iingat ang Metro Manila mayors kahit na inilagay na ng pamahalaan sa alarm level 2 ang National Capital Region dulot ng pandemya.


Anyway, bago namin natanong kung makakadalo siya sa MMFF Parade ay nauna niyang binanggit sa amin na masaya siya dahil tatanggap siya ng Dangal ng Lahi Award na gaganapin sa Okada Manila sa Nov. 27 at dadalo siya para personal na tanggapin ang kanyang tropeo.

Most Versatile Actress of the Decade ang award ni Aiko at sinilip namin ang website ng Dangal ng Lahi Awards at ito ang nakalagay na caption tungkol sa kanya.

“Aiko Melendez started as child star in the early ’80s under Regal Films among them, Santa Claus is Coming to Town in 1982 and she was billed simply as Aiko. In the late ’80s, the same movie outfit, launched her together with Ruffa Gutierrez and Carmina Villaroel as teen actresses. 

“From the late ’80s through ’90s, she became a blockbuster leading lady to big actors such as Richard Gomez, Jomari Yllana and Aga Muhlach. She received multiple awards for May Minamahal in 1993 and Sa ‘yo Lamang in 1995. Her 1997 film, Kahit Kailan, received several awards at the Metro Manila Film Festival (MMFF). The movie was produced by Lily Monteverde. In the late 2000s, she starred in TV shows. In 2017, she garnered praises for her work in Wildflower, a primetime soap opera.”

Bukod kay Aiko, kabilang din sa tatangap ng award sa iba’t ibang kategorya sina Yasmien Kurdi, Imelda Papin, Gladys Reyes, Vance Larena at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/297521/mmff-magbabalik-sinehan-8-official-entries-inilabas-na

                                                     

Read more...