KONTRANG-KONTRA pala ang Koreanong tatay ng baguhang sexy actress na si Angeli Khang na pumasok siya sa mundo ng showbiz.
Isang certified “general’s daughter” si Angeli dahil army general ang tatay niyang Korean. Sey ng dalaga, inaasahan daw ng kanyang ama na papasok siya sa military service.
“Ang gusto po niyang mangyari sa akin ay sundan yung landas niya as an army. He said that it has a lot of better opportunities.
“But in my heart and mind, gustung-gusto ko talaga na mag-artista kaya I got my consent from my mom.
“She told me to just do whatever makes me happy, and I think I will have to do a lot of explaining to my dad,” pahayag ni Angeli sa nakaraang virtual mediacon ng launching movie niya under Viva Films, ang sex-drama na “Mahjong Nights.”
Feeling shocked naman si Angeli nang mapanood ang official trailer ng “Mahjong Nights” dahil hindi raw niya inaasahan na ganu’n katindi ang acting at paghuhubad na ginawa niya kumpara sa una niyang pelikula na “Taya.”
“Na-shock po ako dahil hindi ko expected na nag-level up ako sa pag-arte even though there’s no workshop for me. Trailer pa lang, nakaka-excite na, what more yung full movie?” sabi ng dalaga.
Sa tanong kung bakit nagdesisyon siyang magpaseksi sa pelikula kahit na alam niyang ikagugulat ito ng kanyang pamilya at kaibigan, “Ang sabi ng manager ko, kunin ang opportunity and let this be my stepping stone.
“I’m so honored to be the leading actress of Mahjong Nights. Talagang nag-effort ako, I worked hard para makamit ang expectations ni Direk Law (Lawrence Fajardo),” aniya pa.
Magsisimula ang kuwento ng “Mahjong Nights” sa buhay ni Esther (Mickey Ferriols) ang punong abala at palaging nag-aayos ng “Mahjong Night” game kasama ang kanyang matatalik na kaibigan.
Ginagawa nila ito sa kanilang bahay, kung saan siya nakatira kasama ang kanyang pangalawang asawa na si Leo (Jay Manalo), at ang nag-iisa niyang anak na si Alexa (Angeli). Ngunit kasabay ng mahjong, ay marami pang ibang nangyayari sa loob ng kanilang bahay.
Ang pagnanasa ni Leo kay Alexa, ang mga lihim na pagtatagpo ni Alexa at ng driver ng kaibigan ng kanyang ina, ang pagpapatay-malisya ni Esther sa lahat ng nangyayari sa sarili niyang bahay, at isang di inaasahang tao na may alam ng lahat ng kanilang mga sikreto.
Lahat ng mga itinatago nilang katotohanan at pagnanasa, kapag naibunyag, hindi lang ang kanilang Mahjong Nights game ang masisira, kundi pati na rin ang kanilang mga buhay.
Kasama rin sa pelikula sina Arnel Ignacio, Jamilla Obispo at Maricel Morales, bilang mga kaibigan ni Esther. Nandito rin ang in-demand sexy young actor na si Sean de Guzman bilang batang driver at love interest ni Alexa. Kaya naman kaabang-abang ang maiinit na eksena sa pagitan nina Sean at Angeli.
Kaya itaya n’yo na ang lahat para sa pinakamainit na movie experience kapag pinanood ninyo ang “Mahjong Nights”, streaming online na sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Ngayong November 19, available na din and Vivamax sa USA at Canada.
Related Chikas:
Angeli Khang bibida sa ‘Mahjong Nights’; suportado ng ina sa pagpapa-sexy
Jay, Angeli, Sean walang arte-arte sa shooting ng ‘Mahjong Nights’, lahat palaban