Klea Pineda at Jqk Roberto
PATULOY pang umiinit ang kuwento at mga madradramang eksena sa Kapuso afternoon series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” nina Jak Roberto at Klea Pineda.
Maraming pinaiiyak na manonood tuwing tanghali ang nasabing drama series lalo na yung mga nakaka-relate sa karakter ni Klea bilang Joyce Kintanar na nakikipaglaban sa cancer.
In fairness, talagang puring-puri ng televiewers ang akting ng Kapuso actress sa “Never Say Goodbye” kaya naman siguradong tuwang-tuwa si Klea sa magagandang feedbacks mula sa manonood.
At siyempre, hindi rin nagpapatalbog ang leading man niya sa serye na si Jak Roberto dahil palaban din ang aktor sa mga iyakan at madadramang eksena niya sa “Never Say Goodbye.”
Sa isang panayam naman kay Klea, natanong siya kung ano ang gagawin niya sakaling mangyari sa kanya ang naging sitwasyon ni Joyce — lalaban ba siya para mabuhay o basta na lang susuko.
“Siyempre lalaban ako. Lalaban ako dahil malinaw sa akin kung ano ang magiging epekto nito sa pamilya ko. Very close naman ang pamilya ko. Nanay at tatay ko at ang dalawa kong kapatid, so lalaban ako para sa kanila and siyempre, nakikita ko silang lumalaban.
“Napaka-unfair naman sa kanila kung ako mismo, susuko ako kaagad kung nakikita ko silang lumalaban at kung may nakikita pa akong pag-asa, bakit ako bibitaw? Bakit ako hihinto? Bakit ako gi-give up? Nasa rason mo iyan, e, kung bakit mo gustong lumaban.
“Kung malinaw sa iyo yun, you’re good to go. You’re good to stay with them. And kung malinaw sa iyo kung bakit ka binigyan ng ganitong challenge ni Lord.
“Hindi naman niya binibigay ang isang pagsubok sa isang tao, lalo na ngayong napapanahon ang pandemya natin, hindi naman niya ibibigay ang pagsubok na ito kung hindi natin malalagpasan at kung hindi natin kakayanin,” ang tuluy-tuloy na sagot ng aktres.
Dagdag pa niya, “Naniniwala ako sa faith, sa kung anong milagro na kaya niyang gawin, okay ka. Magiging okay ka kasama yung pamilya mo.
“Kasi nawalan na rin ako ng lolo at lola ng dahil sa cancer at nakita ko silang lumaban. Nakita ko sila sa last day nila, nakita ko silang nahihirapan kaya yun din ang ginawa kong partly, hugot noong ginagawa namin ang Never Say Goodbye.
https://bandera.inquirer.net/297120/klea-sa-tambalan-nila-ni-jak-hindi-naman-kami-pumunta-sa-lock-in-taping-para-maglandian
“Because it’s about cancer, it’s about life. Lalo na daddy ko, lumaban din siya sa kidney transplant. Nanganib din ang buhay niya at muntik na rin siyang mawala sa amin.
“So, very close yung emotion, malapit ako sa nararamdaman ng character ko. It’s about giving hope. Pag-asa talaga sa mga taong nahihirapan. Sa mga taong gusto nang sumuko. Sa mga taong gusto nang tapusin ang buhay nila.
“Ito yung isa sa pag-asa nila. Kailangan nilang mapanood. Kailangan nilang ma-inspire. Kailangan nilang lumaban dahil hangga’t may buhay, laban lang tayo,” ang emosyonal pang pahayag ni Klea Pineda.
Napapanood pa rin ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa GMA Afternoon Prime.
https://bandera.inquirer.net/295387/klea-pineda-mas-na-feel-ang-pagdadrama-sa-never-say-goodbye-nang-maging-kalbo