Coco muling nagbabala sa publiko laban sa COVID-19: Mas malaking problema kapag tayo’y lumala at makahawa ng iba

Coco Martin

HABANG patuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa, naghatid ng paalala ang Kapamilya stars at news personalities sa mga Filipino na patuloy na mag-ingat at magpabakuna para protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong pandemya.

Sa inilabas na public service ad sa iba-ibang platform ng ABS-CBN, ibinandera muli nina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Enrique Gil, Liza Soberano, at Angel Locsin, kasama ang “TV Patrol” anchors na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano, ang mga dapat gawin ng publiko para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na sa mga bata at matatanda.

Kabilang dito ang pagpapabakuna kapag nabigyan ng pagkakataon, ang tamang pagsusuot ng face mask, ang laging paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol, at ang pag-iwas sa paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Kung aalis man, iwasan ang pagpunta sa matataong lugar at panatalihin ang distansya sa iba.

Kapag naman may sintomas na ng COVID-19, ipaalam agad sa Barangay Health Center at sundin ang kanilang instruksyon at payo kung ano ang dapat na gawin.

Paalala ni Coco, mahirap man kung isipin ang mga sakripisyong ito, siguradong magagawa pa rin ito ng bawat Pinoy para sa kapakanan ng ating mga anak at pamilya.

“Alam po natin na ito’y maaaring isang malaking abala, pero mas malaki pong problema kapag tayo’y lumala, makahawa ng iba, at lalo na po ng mga bata. Kaya po natin ito, para sa kanila,” aniya.

Maliban sa public service ad, maglalabas din ang ABS-CBN ng safety reminders at infographics at marami pang ulat kaugnay sa COVID-19 sa pagpapatuloy ng adhikain nitong armasan ng impormasyon ang bawat Pilipino sa giyera laban sa COVID-19. Nasimulan na ito noong 2020 sa kampanyang Ligtas Pilipinas sa COVID-19 ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/289817/julia-payag-maging-bida-o-kontrabida-sa-probinsyano-super-proud-kay-coco
* * *

Sa isang taon na puno ng pagsubok, isang awiting nagpupugay sa mga Pilipinong nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon ang alay ng ABS-CBN sa pagdiriwang ng Pasko ngayong 2021.

Nitong Lunes (Nob. 8), ipinarinig na ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” na siyang tampok na kanta sa “2021 Christmas ID ng mga Pilipino,” na unang napanood last Friday (Nob. 12) sa “TV Patrol.”

Ikinukuwento sa awitin kung paano nalampasan ng mga Pilipino ang sari-saring problema, kabilang ang pandemya, mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at lindol, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, paghugot ng lakas sa isa’t isa, at pagkakaisa sa pag-ibig.

Tampok sa recording and lyric video na ipinalabas sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa cable at online sina Ogie Alcasid, BGYO, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes, Sharon Cuneta, Darren Espanto, Seth Fedelin, Sarah Geronimo, Belle Mariano, Martin Nievera, Daniel Padilla, Zsa Zsa Padilla, Donny Pangilinan, Inigo Pascual, Piolo Pascual, Erik Santos, KZ Tandingan, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, at Vice Ganda na nagbigay buhay sa kanta.

Sinulat ang lyrics ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” nina Robert Labayen at Love Rose De Leon ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division kasama si Thyro Alfaro. Si Thyro at Xeric Tan naman ang lumikha ng musika. Si Maria Lourdes Parawan ng CCM ang nagsalin sa Ingles ng mga salita para sa video.

Ang CCM din, sa pangunguna nina Robert, Johnny Delos Santos, at ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ang nasa likod ng recording and lyric video at ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: 2021 Christmas ID (CID) ng mga Pilipino.” Mapapanood sa CID ang mga kwento ng mga Pilipinong kapupulutan ng inspirasyon kasama ang iba pang mga bituin at personalidad na Kapamilya.

Panoorin ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” recording at lyric video sa mga cable channel ng ABS-CBN at iba pang platforms.

https://bandera.inquirer.net/280634/julia-montes-sa-bahay-na-ni-coco-martin-nakatira

Read more...