Britney Spears malaya na mula sa 13-year conservatorship: Best day ever

Britney Spears malaya na mula sa 13-year conservatorship: Best day ever

LOS ANGELES  – MULI nang nakuha ng pop star na si Britney Spears ang control sa kanyang personal na buhay pati sa pagma-manage ng kanyang pera matapos wakasan ni Judge Brenda Penny ang kanyang 13-year conservatorship na lumikha ng cause celebre sa mga fans at critics dahil ang arrangement na ito ay madalas lamang na ginagawa para protektahan ang mga matatanda.

“Effective today, the conservatorship of the person and the estate of Britney Jean Spears is hereby terminated,” saad ni Los Angeles Superior Court Judge Brenda Penny matapos ang 30-minute hearing.

Ilang buwan ring nakiusap ang 39-year-old “Piece of Me” singer sa korte para i-terminate ang conservatorship na nag-control ng kanyang personal na buhay at $60 million estate simula 2008.

Hindi dumalo ng hearing si Britney ngunit nag-post ito sa kanyang Instagram at sinabing “I love my fans so much it’s crazy!!! I think I’m gonna cry the rest of the day !!!! Best day ever.”

Makikita sa labas ng korte ang sandamakmak na fans niya na nagdiriwang matapos nilang marinig ang magandang balita.

May ilan pa na nagsayaw at kumanta ng kanyang hit song na “Stronger.”

“It was a monumental day for Britney Spears,” saad ng abogado ni Britney na si Mathew Rosengart.

Nagpasalamat rin ito sa #FreeBritney movement na ayon sa kanya ay naging mahalaga sa laban ni Britney.

Ang ama ni Britney na si Jamie Spears ang nag-set up at nag-oversee ng conservatorship matapos ang naging public breakdown ng singer noong 2007 king saan naospital rin siya for undisclosed mental health issues.

Mas lalong tumaas ang interes patungkol sa kaso ng singer dahil sa mga documentaries at sa #FreeBritney movement ng mga fans na kumukwestyon kung bakit may mga restrictions ang singer habang nagkakaroon ng world tours.

“No reason this termination cannot happen and Ms. Spears cannot live a safe, happy and fulfilling life,” saad ni Lauriann Wright, abogado ni Jodi Montgomery sa judge.

Kay Jodi Montgomery ipinagkatiwala ang pag-o-oversee ng personal na buhay ni Britney.

“I’m shaking,” saad ni Leanne Simmons matapos ang paglalabas ng desisyon ng korte.

Si Leanne ay isang fan at isa rin sa mga organizers ng #FreeBritney movement.

“It still hasn’t sunk in to hear those words, ‘The conservatorship has been terminated.’ Britney is a free woman,” dagdag pa niya.

Ang naging kaso ni Britney ay nakatulong upang mapabilis ang mga hearings sa U.S. Congress. Isang bagong batas rin sa California ang naglalayon na maiwasan ang pagkakaroon ng abusive conservatorships na ginagawa upang maprotektahan ang mga may kapansanan, mga elderly, at mga taong may dementia. — Reuters

Related Chika:
Britney Spears malaya na mula sa kaniyang ama: On a cloud 9 right now

Read more...