SARI-SARING mga opinyon ang nakalap namin regarding our new breed of stars mula sa mga taga-produksiyon at mga taong nakakasalamuha nila sa kanilang line of work.
Mula sa kanilang executive producers to the make-up artists, costume designers, production assistants down to the utility – bihira lang sa mga artista natin ang napupuri.
Merong mga utility na nakatikom lamang ang bibig dahil sa takot na mawalan ng trabaho pero nabubuwisit sila sa ibang artista na kung makautos ay parang wala nang bukas.
Kape lang naman ang hinihingi pero pag umasta akala mo ay umoorder sa restaurant. Hindi marunong makiusap.
Meron namang make-up artists na kung maaari lang ay isungalngal ang lipstick sa buong mukha ng artista dahil habang inaayusan ay nakababad sa telepono at galaw nang galaw.
Kasi nga, dahil big stars sila, wala silang respeto sa umaayos sa kanila. Yung ibang production assistants naman ay naloloka rin sa pag-remind sa mga schedules nila – pag may nakaligtaan silang maliit na detalye sa assigned artists sa kanila, sila ang nasasabon to the highest level.
May mga costume designers namang nababaliw na sa ibang stars dahil napakaraming complaints. Isa sa mga hinahangaan nilang young actress na walang karekla-reklamo ay itong si Andi Eigenmann.
Napakabait daw sa kanila nito, napakahusay raw makisama. Contrary to public perception na mukha itong suplada. Pero sa totoong usapan ng kabaitan daw at sobrang marespeto sa mga kasamahan sa trabaho, grabe ang papuri nila kay Galema, este, kay Andi.
“There was a time na kailangan niya ng damit for a sequence. Meron na kaming inihandang damit for her. Siyempre, tanggap naman naming hindi lahat ng gawa namin ay magugustuhan nila pero meron naman kaming option for them, some choices kumbaga.
Yung napili naming damit for her ay baka hindi niya masyadong bet pero she was so respectful to tell us, as in very nicely ha, like she’ll say, ‘ ‘Maganda itong damit pero okay lang po ba na itong isa ang gamitin ko?
Maganda kasi ang color.’ Sarap pakinggan that she appreciates our work pero hindi niya kami nababastos,” sabi ng isang costume designer na natutuwa kay Andi.
Sabi namin, mukhang trained siya talaga ng kanyang famous celebrity parents na sina Jaclyn Jose and Mark Gil pagdating sa work.
With that, promise, aabangan ko ang bago niyang teleserye na Galema na matagal ko ring na-miss sa Aliwan Komiks ni Jim Fernandez decades back – si Galema ay ang anak ni Zuma, remember?
Una itong ginampanan ni Snooky Serna at sinundan ni Jenny Lyn (yung naging karelasyon din noon ni daddy Ramon Revilla, Sr., right?).
Hindi ako manghihinayang magtapon ng oras sa palabas na ito ni Andi bilang pagbigay-pugay sa magandang attitude nito sa mga kasamahan natin sa industriya.
Hindi siya pasaway, hayaan na lang natin siyang lukaret din sa lovelife pero hindi naman pala nito dinadala sa trabaho ang kanyang problema.
That’s hers – parang tayo rin iyan eh, magulo man ang lovelife pero masaya sa work. Tama? Tama!
( Photo credit to Google )