Boy Abunda sa engagement ni Kris: I am happy because she is happy

Boy Abunda sa engagement ni Kris: I am happy because she is happy

MASAYA ang King of Talk na si Boy Abunda para sa kaibigang si Kris Aquino nang mapag-alaman niya na engaged na ang TV host-actress kay dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Senen Sarmiento.

“I am happy about Kris’s engagement. I am happy because she is happy. I am happy because she is in a new chapter of her life,” pagbabahagi ni Tito Boy.

Aniya, masaya siya dahil panatag ang loob niya dahil bukod sa parehas silang Waray ay wala siyang nababalitaang pangit o masama patungkol sa dating DILG Secretary.

“I am happy because of what I see on social media. I don’t know if I have met Mel in person, pero pareho kaming Waray. I hear nothing but good things about him and that makes me happy because I know that he is going to take care of my friend,” dagdag pa ni Tito Boy.

Sey pa ni Tito Boy, hindi pa nila napag-uusapan nang personal ni Kris ang mga detalye sa naganap na engagement.

“We have not spoken about it yet because Kris and I agree [and we] are hoping to be able to talk about it in person. ‘Yung kwentuhan para mas masaya. I’m happy for her,” saad ni Tito Boy.

Oktubre naman nang ihayag ni Kris Aquino ang kanilang engagement ng fiancé na si Mel Senen Sarmiento.

Isa si Tito Boy Abunda sa mga kilala sa industriya na talaga namang malapit kay Kris Aquino.

Bukod sa kanilang magandang relasyon bilang magkaibigan, marami na ring mga shows ang pinagsamahan ng dalawa tulad ng “Aquino & Abunda Tonight,” “The Buzz” at “Boy and Kris.”

Kamakailan lang ay inamin ni Kris na malayo sa inaasahan ng madlang pipol ang magiging kasal nila ni Mel.

“I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be tiny and super private.

“No entourage. No wedding planner. Totally not what you are expecting,” saad ni Kris sa supporter na nag-akalang magiging magarbo ang kanilang kasal.

Wala pa naman ibang detalye patungkol sa kanilang big day ngunit matagal nang nilinaw ni Kris na magiging pribado ito. Bilang pangbawi ay nangako naman ito na ipapakita ang magiging wedding video matapos nilang ikasal.

Kasama kaya si Tito Boy sa mga iimbitahan ni Kris sa nalalapit niyang kasal?

Related Chika:
Kris inaming ‘tiny and super private’ ang kasal nila ni Mel Sarmiento

 

Read more...