Taylor Swift ‘winasak’ ang puso ng netizens sa ‘Red (Taylor’s Version)’

Taylor Swift winasak ang puso ng netizens sa 'Red (Taylor’s Version)'

ILANG oras na ang nakakalipas matapos i-release ni Taylor Swift ang rerecording ng kanyang 2012 album na “Red” ngayong araw, Nobyembre 12.

“It never would have been possible to go back and remake my previous work, uncovering lost art and forgotten gems along the way if you hadn’t emboldened me.

“Red is about to be mine again, but it has always been ours. Now we begin again. Red (my version) is out,” saad ni Taylor sa kanyang Twitter account.

Ilang buwan na rin naman ang nakakalipas buhat nang pumutok ang balita patungkol sa pag-release ng rerecording ng kanyang “Red” album matapos niyang i-release ang 2008 “Fearless” album noong Abril pero tila walang kahit sino ang naging prepared sa sakit.

Tila lahat ng masasakit na alaala ay dahan-dahang nanunumbalik sa mga netizens habang pinapakinggan ang buong album lalo na ang long-lost 10-minute version ng kantang “All Too Well”.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga Swifties at netizens habang pinakikinggan ang 10 kanta sa “Red” album ni Taylor.

Kumusta na ang puso natin dyan, Ka-bandera?

Read more...