Kris inaming ‘tiny and super private’ ang kasal nila ni Mel Sarmiento

Kris inaming 'tiny and super private' ang nalalapit na kasal kay Mel

HINDI magiging magarbo ang nalalapit na kasal nina Kris Aquino at dating Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento.

Ito ay ibinahagi ng “Queen of All Media” sa kanyang Instagram follower noong Nobyembre 9.

Sa latest post ni Kris kung saan nagpasalamat siya sa isang floral arrangement company nag-comment ang nasabing follower.

“I super love Ms. Kris but now, Kris (heart emoji) Mel na. Godbless you both. Anticipating your grandest wedding entrance Ms. Kris excited much,” comment ng isang netizen.

Nag-reply naman ang aktres at TV host sa comment ng kanyang follower.

“I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be tiny and super private.

“No entourage. No wedding planner. Totally not what you are expecting,” saad niya.

Kamakailan lang ay nag-viral ang litrato nila kung saan nauwi sa kanilang first date sa pagdalo nila ni Mel sa isang kasalan.

Dahil na rin sa matinding traffic pauwi, napagdesisyunan ng dalawa na dumaan muna sa isang fast food restaurant na ini-endorse ni Kris habang nakasuot ng gown at barong.

“It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since i’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because i said ang sarap maging normal, regular person,” bahagi ng caption niya.

Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan magaganap ang eksaktong kasal nina Kris at Mel.

Sinabi na rin ito niya noon ngunit sisiguraduhin naman daw niyang ilalabas niya ang kanyang wedding video pagkatapos ng kasal para mapanood ito ng kanyang mga supporters.

Matatandaang Oktubre 24, 2021 nang ianunsyo ni Kris ang kanilang engagement ni former DILG Sec. Mel Senen Sarmiento.

Related Chika:
Kris, Mel nag-date sa fast food: Walang basagan ng trip…ang sarap maging normal person
Kris kay Mel: Ang tanga ko na ‘pag pakawalan pa kita

Read more...