Beauty queen ang bagong dyowa ni AIZA


Sino ang mag-aakalang 30 na pala si Aiza Seguerra alyas Kute ng Be Careful With My Heart? Magkakaroon siya ng concert sa  Araneta Coliseum sa Set. 28 kasama si Charice, ang “Power of Two”.

Sa ginanap na solo presscon ni Aiza kamakailan ay naka-display ang hindi mabilang na tropeong natanggap niya bilang artista at singer at pati mga litrato niya noong bata pa siya kasama ang mga artistang nakatrabaho niya, kaya’t dito mo lang malalaman na, oo nga, 30 na nga si Kute sa rami ng achievements niya simula nu’ng apat na taong gulang palang siya.

Panay nga ang tukso kay Aiza na, “she found the one” na ang tinutukoy ay ang 2001 Mutya ng Pilipinas-Tourism na si Liza Dino na hindi pa niya diretsong inaamin kung sila na.

Pero ang balita nga, ito ang tinutukoy ni Aiza na bagong girlfriend niya nang interbyuhin ni Kris Aquino sa isang episode ng Kris TV.

Anyway, masaya at looking forward si Aiza sa nalalapit na concert nila ni Charice dahil silang dalawa ngayon ang pinagtatambal since pareho na sila ngayon ng gusto sa buhay.

Alam ng lahat kung ano ang pinagdadaanan ni Charice ngayon dahil hindi pa rin siya tanggap ng magulang sa tunay niyang kasarian kaya naman natanong si Aiza kung napagdaanan din niya ang nangyayari ngayon sa una kasi parang ang bilis daw nu’ng sa kanya.

“Hindi naman siguro mabilis ‘yung sa akin, kasi it was gradual. Sobrang gradual. Kasi, tatlong taon pa lang ako, alam ko na. Natanggap ako, teenager na ako. So, hindi siya mabilis.

Siguro, ‘yun lang ang pagkakaiba namin, I think, kung this time mangyari ‘yon na people found out na I’m not straight, most probably, ganu’n din siguro.

Ang pagkakaiba lang namin is I didn’t feel na may need ako to really tell people na ‘Yes, I am. “Kumbaga, sa akin, enough na ‘yung alam nina Mama ko, ng daddy ko, ng friends ko.

That’s enough. At kung anuman ‘yung nakikita ng tao, bahala na lang din sila,”  paliwanag ni Kute. Samantala, magkaiba ng genre pagdating sa musika sina Charice at Aiza dahil alam naman ng lahat na biritera ang international singer at acoustic naman ang huli kaya’t hindi pa rin daw nila alam kung paano ang magiging areglo ng dueto nila sa kanilang concert.

At dahil parehong produkto ng Eat Bulaga si Aiza at si Ryzza Mae Dizon ay natanong ang dating child star  kung ano ang masasabi niya sa kasikatan ni Aleng Maliit at paano niya ikukumpara ang sarili noong kasing-edad niya ang bagets.

“Actually, natutuwa po ako sa kanya kapag napapanood ko siya, at ngayon ko lang siya nakasama sa first shooting day ng ‘My Little Bossings’ at nabanggit pala sa kanya na ako rin ay galing sa Little Miss, e, hindi pa yata niya napanood.

“Tapos nu’ng ipinapanood ko ‘yung sarili ko sa YouTube, tuwang-tuwa siya, nakakatuwa kasi hindi siya typical na batang sakit ng ulo.

Ang masasabi ko lang, nu’ng kasing-edad ko siya, sigurado akong mas matangkad ako sa kanya. Ha-hahaha!” natawang dagdag ni Aiza.

Read more...