Gwapo, mayamang BRAZILIAN ang ipinalit ni AI AI kay JED?


MULI naming dinalaw si Ai Ai delas Alas sa dressing room niya sa 2nd floor ng ELJ building sa ABS  noong Martes ng hapon kung saan inabutan naming kumakain ng paborito niyang chicken habang hinihintay ang mga kasamahan sa taping ng Toda Max.

Natanong namin si Ms. A tungkol sa inorganisa niyang misa noong Set. 8 na kaarawan ng Birheng Maria, “Five years ko nang ginagawa ‘yun, talagang nagpapamisa at naghahanda ako kapag birthday ni Mama Mary kasi di ba devotee ako matagal na.

At saka siya ang sumbungan ko talaga kapag may mga problema ako. “Oo, dalaga palang ako, talagang devotee na ako, nag-umpisa kasi ‘yun sa yaya ko noong bata na parating nagpupunta sa Baclaran Church kasi may problema sa pamilya.

Tapos nu’ng dalaga na ako, nagpupunta na rin ako hanggang ngayon at lahat ng panalangin ko, natutupad kaya lahat ng problema ko, isinurender ko na kina Mama Mary at Papa Jesus,” sabi ng Comedy Queen.

At wala pang 24 oras na natapos ang pamisa niya ay nakatanggap na siya ng tawag na labis niyang ikinaiyak sa tuwa, “Akalain mo, katatapos lang, answered prayer na talaga, lahat ng panalangin ko, may mga sagot na, kaya di ba, sobrang naiyak ako, kasi heto na lahat ang kapalit ng hirap ko. Okay na ako.”

Biglang tumawa si Ai Ai bossing Ervin ng tuksuhin siya ng kanyang make-up artist tungkol sa guwapong lalaking kasama niya sa misa, “Naku, eto ka naman, tigilan mo na,” saway ni Ai Ai.

E, siyempre, nalaman namin kaya kinulit namin si Ai Ai, “Wala, kaibigan ko lang talaga, ano siya, manager siya ng ineendorso kong laminine at nagpunta nga sa misa, kaibigan ko lang, wala ‘yun,” paiwas nitong sagot.

Ang Mystery Guy ni Ai Ai ay isang Brazilian-Mexican at single pa raw. Biniro namin si Ai Ai kung ito ang magiging escort niya sa premiere night ng “Kung Fu Divas” na palabas na sa Oktubre 2?

“Ay walang ganu’n, ano ba?” sabay tawa ni Ai Ai. “Single forever na lang ako, ayoko na!” tumatawang sabi pa sa amin.

Read more...