Singer-actor hiwalay na raw sa dyowa; ma-develop kaya sa kapwa singer-actress na kasama sa show?

BAKIT kaya tinutukso sina singer-actor at singer-actress na parehong host ng programa nila gayung alam naman ng lahat na in a relationship si guy?

Tuwang-tuwa raw kasi ang production staff kasama na ang bossing ng network sa dalawa at bagay na bagay daw ang dalawa.

Parehong natatawa lang sina singer-actor at singer-actress sa panunukso sa kanila pero wala silang komentong sinasabi.

Bukod sa mga kasama sa production ay maraming fans ang dalawa at sila rin ang itinutulak sa isa’t isa na nababasa namin sa thread ng programa.

Heto at may sagot na sa amin ang aming source, “noon pa namin sila tinutukso years na nga eh, pero parang hindi naman yata nila type ang isa’t isa kasi di ba, si (singer-actor) nagka-dyowa tapos nahiwalay. Si (singer-actress) walang naging dyowa pa rin.

“Tapos, heto may dyowa ulit si (singer-actor) pero balita namin waley na sila kaya hayan nabuhayan na ng loob ang loyal fans nila kaya talagang todo push na sa kanila.

“Actually, mataas ang ratings ng show nila, huh? Ang galing kasi nila, plus bagay din silang magsama sa drama series. Alam ko may ginawa o gagawin palang silang movie.

Binanggit sa amin ang movie na ginawa at sinilip namin ang social media accounts ng dalawa at nakita naming pareho sila ng post tungkol sa project nila.

Napansin din namin na tila hindi na naka-post kay singer-actor ang kanyang lady love, hala true nga kaya na wala na sila? Huling post nito ay noon pang 2020.

In fairness hindi halata kay singer/actor na broken hearted siya ngayon huh? Hmm, baka naman kasi dahil na rin sa singer-actress na itinutukso sa kanya?

Baka naman nagka-developan na sila?

Read more...