James, Nadine trending sa socmed dahil sa lechon

James, Nadine trending dahil sa lechon

HINDI talaga matatawaran ang husay ng mga Pinoy lalo na kung humor ang pag-uusapan. Kaya naman walang duda kung bakit trending na naman ang isa sa mga bigating love teams sa bansa at dating magkarelasyon na sina James Reid at Nadine Lustre.

Kamakailan nga ay usap-usapan ang aktor na si James Reid na kasalukuyang nagbabakasyon sa Cebu.

Gumawa naman ng ingay ang isa sa mga litrato na in-upload ni James sa kanyang Instagram kung saan kita sa mukha nito na tila problemado sa lechon na nasa basang kalsada.

Dito na pumasok ang malilikot na isip na netizens at agad na nai-connect ang larawan ni James sa nag-trending ring litrato ng dati nitong dyowa na si Nadine Lustre kung saan bumibili ito ng sarsa sa isang tindahan sa Siargao.

“Problemado si James kasi na kay Nadine ‘yung Mang Tomas,” comment ng isang netizen.

“Huwag ng magalit James, parating na si Nadine, binabayaran na lang yung sauce,” saad ng isa pang netizen.

“Yung namroblema ka kasi yung sawsawan nandun sa ex mo?” sey pa ng isang netizen.

Hanggang ngayon ay trending pa rin ang meme na ito at tila nabuhayan muli ang mga JaDine supporters dahil kahit papaano ay muling nagkakasama ang kanilang hinahangaan kahit na sa memes lamang.

“Nadine, asan ka na? ‘Yung Mang Tomas! ahhh my jadine, you have imprinted so much in the hearts of the people,” hirit naman ng isa pang netizen.

Enero 2020 nang kumpirmahin nina James at Nadine na hiwalay na silang dalawa ngunit kahit na ganoon ay nananatili pa rin silang malapit na magkaibigan.

Marami sa mga netizens ang nasaktan ngunit patuloy pa rin silang umaasa na muling magkakabalikan ang dalawa lalo na’t naging close pa rin ang dalawa matapos ang paghihiwalay nila.

Ngunit nitong mga nakaraang buwan lang rin nang mawalan na ng pag-asa ang mga JaDine fans na magkakabalikan pa sina James at Nadine nang umugong ang balita na mayroon nang bagong nagpapasaya sa aktres. Ito nga ang rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou.

Bagamat wala pa ring kumpirmasyon mula kay Nadine ay mukhang malabo na talaga na magkabalikang muli sa ngayon sina Nadine at James.

Related Chika:
James hindi excited makita si Nadine na may kasamang ibang lalaki: But I want her to be happy

Read more...