Paolo nagulat sa pinaggagawa ni Heart sa lock-in taping: Hindi ko in-expect na ganu’n siya…

PINAGBABATO ng papuri at positibong komento nina Richard Yap at Paolo Contis ang leading lady nila sa upcoming Kapuso series na “I Left My Heart in Sorsogon” na si Heart Evangelista.

Walang masabing masama o negatibo ang dalawang Kapuso actor patungkol sa aktres at fashion icon habang nasa lock-in taping sila sa Sorsogon para sa nasabing romcom series.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “I Left My Heart in Sorsogon” binalikan ni Paolo ang kabataan nila ni Heart at ang pagsasama nila sa ilang proyekto, kabilang na ang pelikulang “Trip” na ipinalabas noong 2001.

Sa nasabing movie gumanap na kuya ng Kapuso Queen of Creative Collaborations si Paolo at makalipas nga ang isang dekada, magka-loveteam na nga sila sa teleserye.

“Iba. Ang layo, ang layu-layo. You really appreciate her professionalism. Ang laki ng (maturity) niya as an actress and as a person.

“I didn’t expect her to be the leader that she is sa set pero ang galing-galing. May mga maliliit siyang bagay na ginagawa para sa lahat na we all appreciate and it’s a very pleasing surprise para sa akin, hindi ko in-expect na ganu’n siya ka-professional,” papuri ng aktor kay Heart.

Aniya pa, “It was a very nice surprise na ganun ‘yung naging chemistry nung lahat sa lock-in taping. Wala kaming days na nangapa, para sa akin. Hindi lang siya professional dahil naging magkakaibigan kami.


“And para sa akin, we have to thank Heart for that, to be honest. Kasi siya ‘yung nagba-bind sa amin lahat, e. She make sure na okay kaming lahat. She make sure na nakakapag-usap lahat kaya sobra naging madali,” pahayag pa ng Kapuso actor.

Para naman kay Richard, dream come true ang pagsasama nila ni Heart sa isang project, “This is my first time working with Heart and as you know, when I came into GMA, I always said na gusto kong makatrabaho si Heart talaga.”

Dagdag pa niya, “So, this is a dream come true for me and it hasn’t disappointed me because ang sarap katrabaho ni Heart.

“She’s really… ang galing niya. Nahihiya nga ako sa kanya kasi ang galing ni Heart. It’s such a dream and walang akong masabi. This is something that we can very, very proud of,” pag-amin ni Richard.

Magsisimula nang umere ang “I Left My Heart in Sorsogon” sa Nov. 15 sa GMA Telebabad after “24 Oras.” Makakasama rin dito sina Michelle Dee, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Jenny Gabriel at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/297102/heart-8-luggage-ang-bitbit-sa-lock-in-taping-huling-serye-na-ang-i-left-my-heart-in-sorsogon
https://bandera.inquirer.net/281705/richard-yap-nagpapayat-nang-bongga-para-kay-heart-baka-kasi-sobrang-laki-ko-pag-katabi-ko-siya

Read more...