Carla, Tom gustung-gusto nang magka-baby, pero sa 2022 pa magha-honeymoon

Carla Abellana at Tom Rodriguez

GUSTUNG-GUSTO na rin ng bagong kasal at Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na magkaroon ng baby 

Feeling ng mag-asawa, handang-handa na silang maging mommy at daddy sa magiging mga anak nila makalipas ang ilang taong pagsasama nila bilang magkarelasyon.

Ayon kay Carla, baka raw sa susunod na taon na sila makapag-honeymoon ni Tom sa ibang bansa dahil kailangan pa nilang tapusin ang kanilang mga showbiz commitments.


Sa ngayon, napapanood pa rin si Carla sa Kapuso drama series na “To Have And To Hold” kasama sina Max Collins at Rocco Nacino habang malapit nang bumalik sa Telebabad ng GMA ang pinagbibidahan ni Tom na “The World Between Us” with Alden Richards and Jasmine Curtis.

Ang dasal nina Tom at Carla, sana’y mabiyayaan agad sila ng anak dahil matagal na rin nila itong ipinagdarasal.

Pahayag nga ng aktres sa panayam ng GMA, “We, honestly, don’t want to delay, di ba? We don’t want to delay anymore kasi isa rin ‘yun sa reasons kung bakit gusto na rin namin magpakasal.”

Samantala, kamakailan lamang ay nag-post din si Carla ng bagong vlog sa YouTube kung saan ibinahagi nila ni Tom ang unboxing ng mga natanggap nilang wedding gifts. 

* * *

Pinusuan ng viewers at netizens ang pagbabalik-telebisyon ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz last Friday, Nov. 5. Mainit rin ang pag-welcome back sa kanya ng mga kasama sa “Unang Hirit” at “24 Oras.”

“Nagbabalik dito sa Unang Hirit ang ating na-miss, ang ating GMA resident meteorologist, Nathaniel Cruz! Sabi ko nga may LPA, ikaw mismo ‘yun,” pabirong sabi ni Arnold Clavio sa nasabing morning show.

Ramdam din ang tuwa sa “24 Oras” anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales. First time ring nagsama sa evening newscast si Mang Tani at ang bagong Kapuso na si Kim Atienza.

“Siyempre, hindi ko palalampasin ang pagkakataong batiin ang aking mentor sa pag-uulat panahon. Welcome back, Mang Tani!” sabi ni Kim na buong pagpapakumbaba namang sinagot ni Mang Tani ng, “Sa akin ang karangalan, Kim, sa pagtuturo sa’yo. Welcome!”

Hirit tuloy ni Vicky, “Wow! Sino bang mag-aakala na magsasama-sama tayong lahat dito?” 

Biniro naman ni Mel si Mang Tani kung marunong pa ba itong mag-Tagalog habang si Mike ni-reveal na pagsaludo pala ang greeting nila ng Kapuso meteorologist. 

Saglit ring hindi napanood si Mang Tani dahil nagbakasyon siya sa Australia kung saan nakabase ang kanyang pamilya. “Ako rin, na-miss ko kayong lahat,” sey ni Mang Tani.

Happy ang viewers sa comeback ng tinuturing nilang “Ekspertong Totoo.” May nag-comment pa nga na napalabas daw siya ng banyo nang marinig ang boses ni Mang Tani sa TV.

https://bandera.inquirer.net/296118/carla-abellana-tom-rodriguez-ikinasal-na

Read more...