Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Vic Sotto at Pauleen Luna

IN FAIRNESS, 10 years na rin palang magkarelasyon ang showbiz couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto!
Ibinandera ng TV host-actress sa buong mundo ang kanyang pasasalamat at kaligayahan dahil umabot na ng isang dekada ang pagsasama nila ni Bossing bilang partners in life.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Pauleen ang ilang litrato nilang mag-asawa na magkasama kalakip ang super sweet na mensahe niya para sa kanyang hubby.

“And just like that… Happy 10 years of togetherness to the one who has my heart!” ang simulang pagbabahagi ni Poleng sa kanyang IG caption.

Patuloy pa niya, “Know that in this life, i will always choose you, it will always be you, always be us.”

Todo rin ang pasasalamat niya kay Bossing Vic dahil sa pagiging mapagmahal na asawa at tatay at higit sa lahat, hindi raw siya pinababayaan at iniiwan nito sa “ups and downs” ng kanilang pagsasama.

“Life may not always be easy but i know that we can breeze through anything as long as we’re together.

“Thank you for always having my back. I love you and everything that comes with it! Happy 10th Anniversary! God is good!” sabi pa ni Poleng sa kanyang IG post at itinag pa si Bossing.


Kung matatandaan, ikinasal sina Pauleen at Vic noong 2016. Meron silang isang anak, si Talitha Maria Sotto. 

Nitong nagdaang January, nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang 5th wedding anniversary.

https://bandera.inquirer.net/288264/bossing-sa-nagpapakalat-ng-fake-news-hindi-natin-yan-palalampasin-pagbabayaran-nyo-yan

Read more...