Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina 'nagulat' kay Piolo Bandera

Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina ‘nagulat’ kay Piolo

Reggee Bonoan |November 07,2021
share this

Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina ‘nagulat’ kay Piolo

Reggee Bonoan November 07, 2021 - 05:19 PM

Piolo Pascual at Shaina Magdayao

NAKA-CHAT namin ang pinakamatanda sa magkakapatid na Magdayao na siyang namamahala ng family business nilang Ystilo Salon na nagdiwang ng ika-23 taon nitong Sept. 8.

May pandemya pa rin kaya walang event na naganap para ipagdiwang ang anibersaryo ng nasabing beauty salon.

Anyway, tinanong namin nang diretso ang kapatid ni Shaina kung buntis nga ba ito dahil may vlogger na nagtanong sa amin na ikinagulat namin kaya para sa ikapapanatag ng aming loob nagtanong kami sa ate ng aktres sa pamamagitan ng Facebook.

“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya,” masayang sagot niya sa amin.

Siyempre nagtanong na kami kung anong alam nila tungkol kina Shaina at Piolo Pascual at kung sila na nga dahil nakunan silang sweet na sweet na magkasama sa Bohol kamakailan.

“Hindi rin wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat,” kaswal na sagot ng kapatid ni Shaina.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag uusapan si Piolo.”

Ganito rin ang sagot ng isa pang ate ni Shaina na si Vina Morales nang tanungin namin. Nagulat pa nga siya nang makita sa social media ang mga larawan ng kapatid niya at ni Papa P.

Sabi ni Vina sa amin, “Ewan ko diyan sa dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Lagi naman kasing sweet yan sa isa’t isa. Ha-hahaha! Naku, tanungin mo sila, ako ayaw ko nang tanungin si Shaina.

“Nagulat na nga lang ako sa photo na ‘yun. Ang alam ko lang kasama n’ya si Jodi sa Bohol, Nandu’n pala si Papa P. he he he.”

Sabi namin na bagay naman sina Shaina at Piolo, “Hahaha! Agree naman ako, lalo na sa ugali. Parehong mabait.”

Oo nga, at pareho pang business minded kaya magkakatulungan sila sa negosyo sakaling magkatuluyan.

Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending