Payo ng netizens kay KC: Mag-move on ka na kay Piolo… paasa lang yun!

PABORITO ni KC Concepcion ang pagsikat at paglubog ng araw at madalas niya itong sabihin sa kanyang mga post sa social media lalo na kung may mga magaganda siyang kuha.

Nitong isang araw ay muling nag-post ang dalaga ng sunrise at sunset na sa tingin namin ay sa ibang bansa kinunan.

Ang caption niya ay, “There‘s something romantic about the sunrise and sunset. This play of shadow and light is absolutely beautiful. But there’s yet a kind of light with a different power- a light that just hits different… A light so magical and moving, that it glows from within you.”

May nagkomentong netizen sa kuhang ito ni KC na pareho raw sila ng hilig, sabi ni @sampaguitaph_uk, “My kilala ako na kilala mo mahilig din ng sunrise at sunset.”

Sagot ni @maristelaongco sa komento ni @sampaguitaph_uk, “Alam na hehehe kaso May Shaina na sya.”

Si Piolo Pascual ang tinutukoy ng netizen dahil isinama ang pangalan ng aktres na si Shaina Magdayao na recently ay napabalitang magkarelasyon na dahil sa lumabas na mga larawan nila sa Bohol kasama sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Tanda rin namin na mahilig ding mag-post si Piolo ng mga larawan nang paglubog at pagsikat ng araw na ang isa sa caption na nabasa namin ay, “What dreams may come…”

Ang ganda ng larawang ipinost ni Piolo kung saan nakatayo siya sa isang mataas na bahagi na puro damuhan habang pinapanood niya ang paglubog ng araw.

May video post din ang aktor na nakasakay sa lantsa at nakatutok sa araw at habang papalayo siya ay palubog na rin ito.

Opinyon ni @sampaguita_lover, “@maristelaongco Paasa lang c mhilig sa sun set sun rise. Move on na KC.”

Oo nga iisa ang hilig ng ex-couple kaya at kaya siguro sinabing “move on na KC” ay dahil inamin ng dalaga na nagsisis siya nang magkahiwalay sila ni Papa P sa panayam nito noong 2020.

Anyway, ang payo ni @sampaguitaph_uk, “Visit Santorini one more time with your future to watch the sun sets in the horizon.”

Sabi naman ng follower ni KC na si @herminigilda37, “Gusto na makita ka sumayaw umarte ng mga fans mo, miss na miss ka namin sa TV Kristina.”

https://bandera.inquirer.net/281775/kc-malalim-ang-b-day-hugot-nag-alay-ng-dasal-para-sa-lahat-ng-tinamaan-ng-covid
Samantala, binati naman ni KC ang amang si Gabby Concepcion na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Biyernes, Nob. 5.

Ipinost ng panganay ni Gabby ang larawan nilang magtatay kasama ang kapatid nito sa ama na si Samantha (sa latest wife ng aktor) at dalawang fur babies niya.

Ang caption ng dalaga, “Hey, handsome! Happy happy birthday to you papa— the first guy who stole my heart!!! Thank you for always spending time with me/us, for checking up on me and picking up the phone when I call even if it’s 2am!

“I value and cherish every second we spend together, every conversation, every bonding moment, every new adventure and every new story you have to tell.

“Thank you for not only making up for all the lost time, but for making the effort to keep our bond close, too. Thank you for respecting me as a grown woman, and as an adult- this is so precious to me.

“But also, thank you for still making me feel like your baby girl. I missed you for many years, but I love you more now and I still and forever will love you so so so much. Past is past, and what matters the most is TODAY and TOMORROW! I love every second! HAPPY BIRTHDAY, Papa!!! @concepciongabby.”

Sagot naman ni Gabby, “Thank you babies.”

https://bandera.inquirer.net/294780/bine-baby-hugot-post-ni-kc-patutsada-nga-ba-kay-mega

Read more...