Mensahe ni Kylie para sa ‘younger self’: Wag siyang matakot mag-isa and she’s doing great!

Kylie Padilla

KUNG may gustong sabihin o isang mensahe na nais ibigay ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang younger self, ano nga kaya ito?

Medyo kumakalma na ngayon ang kapaligiran para sa celebrity mom matapos maging sentro ng kontrobersya nitong mga nakaraang linggo dahil sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Talagang ilang araw ding naging headline sa diyaryo at mga entertainment website ang anak ni Robin Padilla nang magkasagutan sila ni Aljur tungkol sa maintriga at maiskandalo nilang break-up.

Naging “national issue” pa nga ang pasabog na open letter ng hunk actor sa social media kung saan hinamon niya ang ina ng dalawa niyang anak na aminin sa publiko kung sino talaga sa kanilang dalawa ang unang nagloko o nangaliwa.

Mariin naman itinanggi ni Kylie na nanlalaki siya habang nagsasama pa sila ni Aljur. Sumusumpa siya na hindi niya niloko ang kanyang estranged husband sa kahit anong paraan.


Kamakailan, pinusuan ng mga netizens ang Instagram post ng aktres kung saan binigyan nga niya ng mensahe ang batang Kylie Padilla. 

Ibinahagi niya sa kanyang nga IG followers ang edited photo kung saan nakatingin siya sa younger version ng sarili.

Aniya sa caption, “I’d tell her she’s on the right path but I’d also tell her not to make herself an enemy and to not be afraid of being alone. 

“But beside that I’d tell her she’s doing great,” ng dagdag pa niyang sabi.

Sa isang magazine interview, nabanggit njli Kylie na nais niyang ipagpatuloy ang pakikipaglaban bilang empowered woman at sana raw ay makatulong din siya sa iba pang kababaihan na nangangailangan.

“Honestly, I used to want to be a role model. But I know that I am not. Being a role model is a heavy shoes to fill.

“I’m not sure if I want to be one anymore. What I want women to know is that life will be challenging.

“I want women to cherish the growth of their minds, their souls and their spirit, the value of their essence. 

“So much focus is put on our looks when our real value should really be focused on our values and inner strength,” lahad ni Kylie.

Aniya pa, “In every moment, whatever emotions or thoughts, I try to find myself beneath all of it, my essence…more than my looks and even intelligence. It is empowering once I find my truth and stick to it.”

Ipinagdiinan din niya na isa sa mga paraan para mas madaling maka-move on sa pagkabigo ay “acceptance” at kalimutan na ang  “version of yourself that has expired.”

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong 2018 at nabiyayaan ng dalawang anak, sina Axl Romeo at Alas Joaquin. May co-parenting agreement na ang nagkahiwalay na mag-asawa.

https://bandera.inquirer.net/296107/kylie-naubos-raw-ang-savings-aljur-may-utang-pa-kay-kylie

Read more...