Priscilla Almeda
WALANG pinagsisisihan ang dating sexy star na si Priscilla Almeda sa ginawa niyang paghuhubad noon sa kanyang mga mapangahas na pelikula.
Ayon kay Priscilla na siyang karelasyon ngayon ni Jomari Yllana, “No. I can’t. I won’t. I learned a lot going through the phase.”
Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media ang aktres kamakailan sa virtual kumustahan na in-organize ng Viva Artists Agency.
Ayon kay Priscilla, tumigil siya sa pag-aartista noon kahit maganda pa ang takbo ng kanyang career dahil, “It came to a point that I just got burned out. I was tired. I wanted a family.”
At makalipas nga ang maraming taon, balik-showbiz na uli ang aktres, “Na-miss ko eh. I miss acting, I miss the way I used to do. And there are things na hindi ko pa nagagawa. So ‘yun ang gusto kong ma-try, doing other roles na hindi ko pa nagawa before.”
Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon at sa pamamagitan din ng kanyang manager ngayon na si Tito Nestor Cuartero, dating entertainment editor, talagang sinunggaban na niya ito. Kabilang sa mga projects niya ngayon ay ang upcoming GMA series na “Lolong” starring Ruru Madrid.
Halos 11 years ding nawala sa Pilipinas si Priscilla nang mag-migrate sa Canada at magkaroon ng pamilya, “Before akong umalis noon, never kong naisip na babalik ako into acting.
“Kaya 16 years akong nawala. Wala talaga sa isip ko noon, although once in a while nag-uusap kami ni Tito Nes na to come for a vacation and try and work a little.
“But before I was so big, like super big. Siguro almost 200 lbs ako. Natuto kasi akong magluto sa Canada and I don’t think na kaya kong pumayat kaya na rule out ko na coming back for acting.
“Then after a while before I decided to come home I work out I got my personal trainer and lost so much weight. And in a span of 5 or 6 months I lose 60 to 70 lbs,” kuwento pa niya.
Sa tanong naman kung willing pa ba siyang sumabak sa mga sexy movie na nauuso na naman ngayon, “If my body will allow it, which I have to work on. That’s why I’m doing my best.
“Pero ‘yung sexy movies like before what I used to, that one parang hindi na yata bagay, lalo sa age ko ngayon. Siguro more of a dialogue would be different. I’m actually really excited for what Viva has planned for the coming projects, lalo na acting wise.
“I said I always wanted to do more roles na challenging. Parang kontrabida, gusto ko ‘yung maging salbahe sa TV and movies and challenging roles that I never did before. I’m excited for that and we thought about it and hopefully makakayanan kong gampanan ang mga role na ibibigay sa akin,” sey pa ni Priscilla.
“Sa acting naman, I think mae-expect n’yo is a different side of me kasi mother side na and a little bit of a fighter because roon sa una kong assignment.
“I fight for animal rights. ‘Yun ang character ko roon. It’s different kasi hindi n’yo pa ako nakitang mother role. Kasi naman noon would always inaapi, probinsiyana, young virgin role, now more matured roles,” dagdag pang chika ni Priscilla Almeda.