Arjo Atayde at Maine Mendoza
PINAKILIG na naman ng showbiz couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang kanilang mga fans at social media followers nang muling ibandera sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.
Sa kanyang Instagram account, ipinaalam ng award-winning Kapamilya star sa madlang pipol na sinimulan niya ang pagdiriwang ng kanyang 31st birthday nitong nagdaang Nov. 5, kasama si Maine.
Inilarawan pa niya ang kanyang pinakamamahal na girlfriend sa kanyang IG post bilang “one of life’s biggest blessings.”
Ibinahagi niya sa mga netizens ang litrato nila together ng Kapuso TV host-actress na kuha sa mismong araw ng kanyang birthday celebration.
Ang inilagay na caption ng aktor sa kanyang IG post, “Starting 31 with one of life’s biggest blessings. I love you sooooo much, bubba. Thank you for everything!” Sinundan pa niya ito ng heart emoji.
Samantala, nag-share naman si Maine ng throwback picture nila ni Arjo habang nakasakay sila sa bangka na kuha noong magbakasyon sila sa isang resort.
Isang simpleng “happy birthday” lamang ang inilagay na caption dito ni Maine. Sinagot naman ito ni Arjo ng “I love you.”
In fairness, magse-celebrate na ng third anniversary ang showbiz couple sa darating na December kaya naman ang hinihintay na ng kanilang mga tagasuporta ay ang kanilang pagpapakasal.
Nitong nagdaang October, diretsahang sinabi ni Arjo na napag-uusapan na nila ni Maine ang pagpapakasal.
“Obviously, I’m not naman wasting time. At the same time, sobrang mahal ko po yung tao, very sincere yung tao.
“Yes, of course, napag-uusapan iyan. I’m at the right age, we’re not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. Ito na po iyon, I think so,” ang bahagi ng pahayag ng anak ni Sylvia Sanchez sa vlog ni Julius Babao.
Nangako naman si Arjo kay Maine na gagawin niya ang lahat para maging mabuting public servant sakaling manalong congressman sa 1st District ng Quezon City sa 2022 elections.
Suportado naman daw siya ni Maine sa pagsabak niya sa politika kahit na kontra ang dalaga noong una niyang ipaalam ang kanyangn naging desisyon.
“Alam niyang magulo ang mundo ng pulitika. But I gave her my promise to behave, and walang kalokohan sa loob. My will is just to serve nang tapat at tunay sa mga tao,” sey pa ni Arjo.
https://bandera.inquirer.net/295516/arjo-atayde-aminadong-si-maine-mendoza-na-ang-the-one