Enchong type gumanap na Ramon Magsaysay; umaming may balak sumabak sa politika, pero…

Enchong Dee

“IF I run, I want to be a public servant. I don’t want to be a politician.” 

Ito ang ipinagdiinan ni Enchong Dee nang matanong tungkol sa posibilidad nang pagpasok niya sa magulo at maintrigang mundo ng politika.

Napag-usapan ang tungkol dito nang matanong si Enchong sa virtual mediacon ng ABS-CBN para sa 30th anniversary episode ng “Maalaala Mo Kaya” kung may dream role pa ba siyang nais matupad.

Sagot ng binata, gusto niyang bumida sa life story ni former President Ramon Magsaysay, “He was one of those public servants, not a politician but a public servant that I truly admire. 

“He was able to transition the Philippines to a better economy because ‘yung platform niya ‘yung mission niya when he was a president was ‘Filipino first,'” ang sabi pa ni Enchong patungkol kay Magsaysay.

Sa tanong kung may na-meet na ba siyang mga kapamilya ni Magsaysay, “Wala pa po pero nakakasalamuha ko ‘yung mga nagkakaroon ng Ramon Magsaysay Awards, isa na roon si Jesse Robredo.”

Ang tinutukoy niya ay ang yumaong asawa ni Vice-President Leni Robredo na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government at former mayor ng Naga City na nabigyan nga ng Ramon Magsaysay Award for Good Governance taong 2000.


Kasunod nito, diretsahan nang tinanong si Enchong na kilala rin sa matapang niyang pagpuna sa pamahalaan, kung plano rin ba niyang pumasok sa politics.

Tugon ng binata, “To be honest when I was studying, yes there was because my course (Political Science) was related to politics so the intention was there. 

“Pero sabi ko sa sarili ko kung darating man ang panahon na ‘yon, I will stop everything that I’m doing. Hindi ako puwedeng nag-aartista habang nagsisilbi sa publiko. 

“Hindi ako puwedeng ili-link ‘yung mga negosyo ko, tapos magiging public servant. If I run, I want to be a public servant. I don’t want to be a politician. So ‘yun lang po. So as of today, my answer is no,” pahayag pa ni Enchong.

Patuloy pa niya, “I want to close the door. Honestly, I really do want to close the door. Pero alam ko rin na being a private citizen mayroon akong nagagawa na hindi ko kailangang sabihin, hindi ko kailangang ipakita na parang public servant na rin. So masaya na po ako sa ganoon.”

Read more...