Enchong sa 30th anniversary episode ng MMK: Ang bigat pala ng responsibilidad na ‘to!

Enchong Dee

FEELING blessed and grateful ang Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil siya ang napiling bumida sa 30th anniversary episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong gabi s Kapamilya Channel.

May titulong “Ink of Smile,” bibigyang-buhay ni Enchong ang makulay at inspiring life story ng cosmetic tattooist na si Edwin Pranada na nakilala sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga taong may alopecia o hair loss.

Inamin ni Enchong na hindi naging madali para sa kanya ang pagganap bilang si Edwin, “Siguro masyado ko in-imbibe yung 30th anniversary responsibility na nabigyan ako ng pagkakataon ng MMK. 

“Hindi ko alam ang bigat pala ng responsibilidad ng episode na ‘to. Kasi nu’ng una akala ko international taping.

“Mali pala yung basa ko, tapos 30th anniversary episode pa tapos November 6 na siya ieere. So kinakabahan ako,” ang pahayag ni Enchong sa virtual mediacon para sa “MMK” anniversary celebration.

Unang araw pa lang daw ng kanilang taping ay napasabak na siya sa matinding aktingan, “Stressful, pressured, but by the end of it, fulfilled kasi nung nagsimula pa lang, first take pa lang namin ni direk Jerome (Pobocan) sabi ko kay direk, ‘Gabayan mo ko. Tulungan mo ko dito kasi yung responsibilidad na nakalagay sa shoulders natin ay napakalaki at napakabigat.’ 

“And sabi ko, ‘I just want to make you proud, I just want to make my company proud, and I just want to make my management proud.’ I want to make myself proud also.

“I think MMK is one of those projects na puwede mong iharap sa mga tao kasi pinaghahandaan talaga so I said I want to make this a really good episode especially since patapos na rin yung taon. I want to end my year with an acting piece so ito siguro yun,” lahad ng aktor.


Napakarami rin daw niyang natutunan habang ginagampanan ang karakter ni Edwin Pranada sa nasabing anniversary episode ng “MMK”.

“He is someone na hindi talaga nakaramdam ng pagmamahal and for the longest time lagi niyang hinahanap yung pagmamahal na yun from his family. 

“To the point na every relationship he goes through, parang pakiramdam niya failure siya sa relationship because hindi niya alam paano ba magmahal. Paano ba tumanggap at paano ba nagbibigay ng pagmamahal?

“Kasi growing up wala siya so ang dami niyang pinagdaanan, ang dami niyang pagkakamali. Pero eventually through his passion, through cosmetic and aesthetic tattooing, du’n niya na-realize na ah ganun pala yung kasiyahan na puwede mo mabigay sa isang tao na unti unti niyang natutunan na magbigay ng pagmamahal. 

“And eventually natutunan rin siya kung paano i-proseso yung pagmamahal na natanggap niya. It took him a while pero dumating siya sa point na yun.

“I think that’s always the message of MMK na kahit ano man ang pagdaanan natin, hindi matatapos yung kuwento natin hanggang nabubuhay tayo at meron tayong pag-asa na magbago,” sabi pa ni Enchong.

Mapapanood na ngayong gabi ang  30th anniversary episode ng “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

https://bandera.inquirer.net/281552/enchong-parang-pari-rin-sa-totoong-buhay-kyle-enjoy-sa-pagiging-kontrabida

Read more...