Vice Ganda miss na ng madlang pipol; Mylene masaya sa muling pagbabalik bilang Kapamilya

Vice Ganda miss na ng madlang pipol; Mylene masaya sa muling pagbabalik bilang Kapamilya

Sobrang nami-miss na ng isang mother si Vice Ganda sa “It’s Showtime”.Ipinost ng isang Twitter handler named Kathie De Leon @KittyKatzDeLeon noong Oct 31 ang isang message for Vice ganda, saying, “@vicegandako meme, saan ka na po? Lagi ka po hinahanap ng mother ko hanggang sa ASAP hinahanap ka po nya hehe #Alzheimers.”

Kalakip nito ang isang short video kung saan tinatanong ni @KittyKatzDeLeon kung sino ang nami-miss ng kanyang ina na sumagot ng pangalan ni Vice Ganda.

Nakarating naman sa “It’s Showtime” host ang video kaya naman nag-respond ito ng, “Im so excited to be back in showtime soon. Taeng tae levelzzz actually!!!”

Nag-show sa US recently si Vice Ganda at hindi naming alam kung kailan siya magbabalik sa bansa.

Anyway, ang daming nag-react sa tweet na iyon, most netizens were also waiting for Vice Ganda’s return sa “It’s Showtime”.

“Aww same as my lola po. Kayo lang ni Coco Martin kilala niya sa generation ngayon.”

“balik kana ma, super miss you na ily!”

“lahat kame meme missss ka…di kumpleto ang it’s showtime kapag wala ka.”

“Meme vice balik Kana I miss you na… Yung tawa mo sa it’s Showtime and kulitan sa reinanay ikaw lang happy pill namin kaya balik Kana please.”

“Meme Ko…miss you so much, relax at beauty rest ka munaStar-struck stay safe & stay strong. love you both ni Ion forever.”

* * *

Nagbalik sa ABS-CBN si Mylene Dizon kahit na alam niyang wala itong franchise.

Sa finale presscon ng “Huwag Kang Mangamba” ay sinabi niyang it’s good to be back sa Kapamilya network.

“You know, I guess ‘pag umuuwi ka sa bahay there’s a certain comfort that you feel. Parang natulog ka uli sa sarili mong kama o naligo ka sa sarili mong banyo. It’s comfortable, it’s warm,” say niya.

“But ’yung pagbabalik na nandito sa sitwasyon na ito ang ABS-CBN, you’re just happy that we are all still working. Na kahit paano, we are trying our best na makagawa pa rin ng magagandang shows para ipakita sa mga tao and to create stories na may magagandang message. Hindi lang basta kuwento pero may message na mapupulot,” dagdag pa niya.

Very grateful si Mylene dahil kahit walang franchise ang Dos ay may trabaho pa rin siya and iba pang mga Kapamilya stars.

“Yes, I am very, very thankful like everybody right now na kahit mahirap ay nakakapagtrabaho pa rin tayo. We just try to do our best all the time kapag nagtatrabaho kami kasi alam namin na hindi madali ang sitwasyon. Hindi madali ang working environment but we try,” say niya.

Related Chika:
Mylene Dizon galit na galit pa rin sa pagpapasara sa ABS-CBN: I’m still naiinis about it

Read more...