Jak Roberto at Herlene Budol
TUWANG-TUWA at feeling “mission accomplished” pa ang Kapuso comedienne at TV host na si Herlene “Hipon Girl” Budol sa natanggap na sorpresa mula sa isang Kapuso hunk.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ipinost ng komedyana ang isang video clip na naglalaman ng isang birthday greeting mula sa hinahangaan niyang Kapuso actor — at yan ay walang iba kundi si Jak Roberto.
Aminado ang dalaga na matagal na niyang crush ang hunk actor kaya naman ang nailagay niyang caption sa video greeting ni Jak ay, “After 4 yrs nabati din ako.”
Kalakip ng nasabing video ay ang mga screenshots na nagpapatunay na simula pa noong taong 2017 ay nagse-send na si Hipon Girl ng private message kay Jak para humingi ng birthday greeting.
Chika pa ng komedyama sa kanyang FB post, “Alam nyo ba na si Jak Roberto ang crush ko dati haha wala share ko Lang kaya ate Barbie (Forteza, girlfriend ni Jak) peram muna.”
At sa sumunod ngang screenshot, mababasang nag-reply na kay Herlene ang aktor — makalipas ang apat na taon.
Humingi naman ng paumanhin si Jak kay Herlene, “Sorry ngayon ko lang nabasa to HAHAHA since 2017 pa pala tong message mo!” Kalakip nga nito ang kanyang video message para sa Kapuso star.
At in fairness, dream come true talaga para sa dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin” ang makatrabaho sa isang serye ang ultimate showbiz crush niya.
Magkasama ngayon ang dalawa sa afternoon drama series ng GMA 7 na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” na pinagbibidahan din nina Klea Pineda at Lauren Young.
Bentang-benta na rin ngayon sa netizens ang ni-record nilang TikTok video. At dahil nga sa katuparan ng matagal na niyang dream nag-iwan pa siya ng mensahe para sa lahat ng nangangarap.
“KAYA IKAW WAG KA MAWALAN NG PAG AASA NANINIWALA NAKO SA PM IS THE KEY HAHAHA!” sey ni Hipon Girl.
Dagdag pa niyang hirit, “Crush ko noon kaeksena ko na ngayon. Small world!”
Bukod sa GMA Afternoon Prime series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” nakatakda ring magsama sina Jak at Herlene sa isang episode ng “Dear Uge” na may tutulong “Asymtopangit.”
https://bandera.inquirer.net/289202/herlene-budol-naubos-ang-ipon-umiiyak-ako-araw-araw-dumating-ako-sa-puntong-parang-ayoko-na