Movie producer-radio anchor Carl Balita wala nang atrasan sa 2022; may promise sa mga taga-showbiz

Coco Martin at Carl Balita

KUNG umatras si Kabayan Noli de Castro sa pagtakbong senador sa 2022 elections, wala namang atrasan ang pagsabak ng radio host at film producer na si Dr. Carl Balita sa mundo ng politika.

Nakilala si Carl ng madlang pipol dahil sa prog­rama niya sa DZMM Teleradyo na “Radyo Negosyo” halos dalawang dekada na ring sumasahimpapawid. 

Maraming rason si Dr. Carl kung bakit nagdesisyon siyang tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na isa naman sa mga kumakanditatong pangulo ng Pilipinas.

Isa sa mga dahilan ng radio host at producer sa pagsabak sa politics ay ang maisulong ang kanyang “3K Agenda” — ang “Kalusugan, Kabuhayan at Karunungan”.  

“These are the three areas of our pandemic crisis, and I am offering myself to address these with my experience, educational expertise and network,” aniya.

Bukod dito, nais din niyang gumawa ng mga batas na makakatulong sa entertainment industry lalo na sa mga production staff at employees at sa maliliit na negosyante tulad ng mga baguhang producers.

Malapit rin kasi sa puso ni Dr. Carl ang showbiz dahil nakapag-produce na rin siya ng dalawang advocacy film, una na ang “Nars” ni Adolf Alix (2007) na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado, Jodi Sta Maria, Agot Isidro, Coco Martin, Jon Avila, Jay Manalo, Jacklyn Jose at Alan Paule.

Sinundan ito ng “Maestra” ni Lem Lorca (2017) starring Angeli Bayani and Gloria Sevilla na umani ng awards hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Parehong may konekayon sa kanyang propesyon ang tema ng nasabing mga pelikula. Bukod kasi sa pagiging nurse-midwife, isa rin siyang licensed teacher at may doctoral degrees in Humanities and Education kaya nga ang tawag sa kanya ay “Doc”. 

“I produced these films with my intention to improve the public appreciation of these professions, which most of the time are ignored,” sabi pa ni Carl nang makachihan ng mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kamakailan.

https://bandera.inquirer.net/296395/kabayan-noli-pinatay-sa-socmed-kat-de-castro-umalma-my-dads-absolutely-fine-we-just-had-dinner
Nakapag-produce na rin siya ng inspirational album, ang “iDream” kung saan naka-collab niya ang celebrity couple na sina Isay Alvarez at Robert Sena.

Mapapakinggan dito ang mga kanta nina Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Luke Mijarez, Raymond Lauchenco, Bituin Escalante, Karylle, Agot Isidro at Arthur Manuntag. Naging co-producer din siya ng restaging ng “KATY: The Musical” bilang partner ng Spotlight Artists Centre.

Samantala, isa sa mga celebrities na nagpahayag daw ng suporta sa kanyang pagtakbo next year ay ang kapitbahay niyang si Coco Martin. Natutuwa raw ang aktor sa naging desisyon niyang kumandidato.

Bukod sa lead star ng “Ang Probinsyano”, nangako rin sina Dulce ay Vehnee Saturno na tutulungan siya sa kampanya sa pamamagitan ng paggawa ng campaign jingle.

Read more...