Jennylyn, Dennis isasabay na ang gender reveal ng ‘1st baby’ sa kanilang civil wedding

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

ANUMANG oras mula ngayon ay magaganap na ang kasal ng engaged Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ito ang kinumpirma ng future husband and wife sa isang panayam. Anila, isasabay na rin nila sa kanilang wedding ang “gender reveal” para sa kanilang magiging baby.

Ayon kay Dennis, ikakasal sila ni Jennylyn sa pamamagitan civil ceremony na magaganap sa isang events place na malapit lang sa kanilang bahay para hindi na mahirapang bumiyahe ang aktres.

Hindi na rin daw sila nag-abalang magpagawa ng bonggang wedding outfits dahil isang “simple and intimate affair” lamang ang magaganap.

“Siyempre, sa panahon ngayon, ang hirap magka-regular wedding na malaki, na maraming tao. Unang-una, hindi safe and hindi na rin practical sa panahon ngayon,” pahayag ni Jennylyn sa panayam ng isang magazine.

At dito nga kinumpirma ng showbiz couple na ibabandera rin nila sa publiko ang magiging gender ng kanilang magiging anak sa wedding reception sa pamamagitan ng pag-i-slice ng cake.


Samantala, nabanggit din nina Jennylyn at Dennis na under construction na rin ang bago nilang bahay na matatagpuan sa isang probinsya. Nagsimula itong itinayo noong nakaraang taon at sana raw ay matapos na bago mag-2022.

Samantala, kinakiligan naman ng mga netizens ang engagement video nina Jennylyn at Dennis na mapapanood sa YouTube channel ng aktres na may pamagat na, “After All: Jennylyn & Dennis | Episode 1.”

Sa unang bahagi ng vlog ay sinabi na ni Dennis sa mga viewers na ang gagawin niya ay isa sa magiging pinakamahalagang bahagi ng pagmamahalan nila ni Jen.

Nagpasalamat muna si Dennis kay Jennylyn bago nag-sorry dahil medyo na-late ang kanyang proposal.

“Siniguro ko muna na, talagang kapag nangyari ‘yun, ito na ‘yung best version ko. Akala ko dati, okay na ako, pero ang dami ko pa palang improvements, sobra,” bahagi ng speech ng Kapuso Drama Prince.

And of course, yes na yes nga ang sagot ni Jen nang tanungin na siya ni Dennis ng, “Will you marry me?”

Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?

Read more...