Elisse, McCoy may baby na, kinuhang ninong si Big Brother: Siya po ang lucky charm namin!

Elisse Joson at Baby Felisse McKenzie

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinandera ng Kapamilya couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon na sila’y mga magulang na.

Ngayong araw, inamin ng magka-loveteam sa madlang pipol na meron na silang baby. Ibinahagi nila ang good newa nang sabay silang mag-guest sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”.

Sa nasabing episode ng Kapamilya reality show, personal na sinabihan nina Elisse at McCoy si Big Brother para maging ninong ng anak nilang si Felisse McKenzie (kumbinasyon ng kanilang pangalan).

https://bandera.inquirer.net/296589/part-2-ng-love-story-nina-mccoy-at-elisse-nagsimula-nang-dahil-sa-jacket-nadaan-sa-signs
“Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” ani Elisse.

“This is baby Felisse McCenzie, ayan po, yung pangalan niya galing po siyempre hati sa amin ni McCoy. Siya ang lucky charm po namin. She is our greatest blessing po talaga,” sabi pa ng aktres.

Sabi naman ni McCoy, napili nilang sa “PBB” at kay Kuya aminin at ipakilala ang anak nila ni Elisse dahil doon nga nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. 

“Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob po namin,” pahayag naman ni Elisse.

“Alam namin na imposibleng makita ka niya, pero gusto naming tingalain ka niya bilang isang ninong, isang godparent na punong puno ng wisdom kaya naisip po namin na lumapit po sa inyo,” sabi pa ni McCoy.

Sagot naman ni Big Brother sa celebrity couple, “Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong alok sa akin, at gusto kong malaman niyo na lubos kong tinatanggap ito.

“Isang karangalan ang maging ninong ng anak ninyo. Higit sa lahat, congratulations, McCoy at Elisse!” sabi pa ni Kuya.

“Habang buhay po namin na dadalhin ‘yun. Ang ano lang, alam namin na hindi expected pero itong programa na ito ‘yung nagtadhana sa amin patungo dito, may family na kami. Salamat po. Salamat,” ang mensahe naman ni McCoy.


Nagsimula nga ang love story ng showbiz couple noong maging housemates sila sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016. 

Nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya, nagpatuloy pa rin ang kanilang pagkakamabutihan hanggang sa maging sila na nga. Ngunit makalipas ang ilang taon ay nagkahiwalay din sina Elisse at McCoy.

Nito lamang June, 2021 nang ibalita ng magdyowa na nagkabalikan na sila. Inamin naman ni McCoy na siya ang unang sumuko sa relasyon nila ni Elisse.

https://bandera.inquirer.net/286738/mccoy-elisse-nagbalikan-bago-magkapandemya-may-4-na-magic-word-para-sa-ldr

https://bandera.inquirer.net/296589/part-2-ng-love-story-nina-mccoy-at-elisse-nagsimula-nang-dahil-sa-jacket-nadaan-sa-signs

Read more...