Blackpink Jennie at Zian Gaza
UMEKSENA na naman ang controversial social media personality na si Xian Gaza gamit ang isa sa mga miyembro ng Korean girl group na BLACKPINK.
Ibinandera ni Xian sa kanyang Facebook page ang ginawa niyang pag-imbita kay Kim Jennie para sa isang dinner date sa pamamagitan ng billboard.
Ayon kay Xian, matatagpuan ang nasabing billboard sa puso ng Seoul, South Korea kung saan nakasulat nga ang imbitasyon niya sa Blackpink member.
Aniya sa caption ng litrato ng ipinalagay daw niyang billboard sa Seoul, “Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. ‘Can I take you out to dinner and make me the happiest man alive?’”
“I don’t know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, a few kilometers away from Blackpink’s YG (Entertainment) headquarters. I hope she will say yes,” sabi pa ng socmed personality.
Kasunod nito, ipinakita rin ni Xian ang permit para sa ipinagawa niyang billboard invitation. Aniya, two weeks pa ang hinintay niya bago nakuha ang approval mula sa mga kinauukukan.
“Sa lahat ng Pinoy haters ko sa South Korea na nagpapakalat ng fake news na maaari daw akong makasuhan at ma-blacklist nang dahil sa billboard proposal ko for Jennie, let me tell you this… listen carefully.
“Lahat ng advertisements sa mga pampublikong lugar ng Seoul ay kailangan ng permit mula sa kanilang local government.
“Two weeks ago, nag-submit kami ng application at sila’y sobrang na-shookt because this billboard of mine daw ay very first of its kind in Korean history!
“Ang kauna-unahang billboard date proposal sa kanilang bansa ay gawa ng isang foreigner… ang lahi ay Pilipino. Pinoy pride!
“Wala daw akong nilabag na batas dahil hindi ko inilagay sa layout ang imahe ni Jennie. Boom approved! Permit released!” ang nakalagay na mensahe sa Facebook ni Xian.
Kung matatandaan, unang sumikat si Xian sa social media taong 2017 matapos ding magpagawa at maglagay ng billboard sa kahabaan ng Morayta, Manila para imbitahan ang aktres na si Erich Gonzales sa isang coffee date. Pero tinanggihan ito ng dalaga.
Noong 2018 naman, nasintensiyahan siyang makulong ng five years and six months matapos hatulan ng “guilty” sa paglabag sa Bouncing Check Law.
https://bandera.inquirer.net/293814/xian-gaza-kay-pacman-ako-po-ay-sobrang-nainsulto-at-nabastusan