JC sa movie nila ni Yassi: Ito yung pinakanatakot ako nang sobra, grabe yung kaba!

JC Santos at Yassi Pressman

DIRETSAHANG sinabi ng Kapamilya actor na si JC Santos na hindi siya na-impress nang unang i-offer sa kanya at mabasa ang script ng Pinoy adaptation ng hit Korean project na “More Than Blue.”

Ito ang bagong pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films at idinirek ni Nuel Naval.

“Actually, 2020 ko na siya binasa, eh. Nu’ng una ko siyang binasa medyo relax lang siya sa akin, na okey lang siya, nakakaiyak habang binabasa ko yung script. 

“Tapos nu’ng malapit na yung shoot, binasa ko ulit kasi every time na binabasa ko siya relax lang siya, eh. Ah, okey, ‘Gets ko na yung mangyayari.’

“Na-underestimate ko siya. Hindi ako masyadong impress dati. Ha-hahaha!” ang pagpapakatotoo ni JC sa ginanap na virtual mediacon ng Viva Films para sa “More Than Blue”.

“Tapos nu’ng nagsi-scene by scene na ako sabi ko, ‘Hala, in-under estimate ko itong material na ’to. Paano ko ito gagawin?’ Hindi ko alam kasi nung tsinitsek ko na siya, papaano itong… kasi kada halos eksena ganito kabigat, so paano kaya ito?” pagpapatuloy pa ni JC.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Come two days before the shoot umabot ako sa nag-panic ako dahil hindi ko alam kung kaya ko ba. Nag-text pa ako kay Direk at sinabi ko na nai-intimidate ako sa character ko at saka sa materyal.

“Hanggang nagsu-shoot na kami pero takot pa rin ako. Actually, ito na yung pelikula na pinakanatakot ako nang sobra sa gagawin ko, pinakakinakabahan ako kada eksena,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/289479/yassi-ipinatatayo-na-ang-dream-house-dimples-ibinandera-ang-kaseksihan
Samantala, ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkatrabaho sina JC at Yassi, una silang nagkasama noong 2018 sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Siya ang naging kaagaw ng karakter ni Coco Martin kay Alyana (Yassi), “I’m super happy dahil si Yassi ang nakatanggal nung takot ko sa shoot kaya naging relaxed na ako on the spot.

“Kasi at that time, she gave me everything that I needed in every scene and she was performing her soul in front of me. At that time I felt comfortable na the whole time and she made me comfortable performing for her.

“Natatakot ako kasi akala ko parang magma-manufacture ako, akala ko sa akin lang lahat ng hugot, pero every time na magkaeksena na kami, ‘Ah okey, ito na yung puso ng pelikulang ito, and ito na yung genius ng writing niya kasi kailangan mo nang maayos na kaeksena at saka yung naniniwala talaga, kasi sobrang hirap nu’ng materyal,” pahayag pa ni JC.

Aniya pa, napakarami nang nagbago kay Yassi ngayon bilang aktres mula noong una silang magsama sa “Ang Probinsyano.”

“Sinabi ko ’to sa kanya sa set. Sabi ko, ‘Yung Yassi na kasama ko ngayon sobrang mature na siya emotionally.’ Nu’ng makita ko siya ulit parang biglang ang dami na niyang pinagdaanan, eh, two years ago lang yon, ha.

“She is different now. Nawala na yung… siguro dahil din sa validation, mas relaxed na siya ngayon,” pahayag pa ni JC patungkol kay Yassi.

Mapapanood na ang “More Than Blue” sa Vivamax simula sa Nov. 19. 
https://bandera.inquirer.net/287305/jc-hirap-na-hirap-magpaalam-sa-pamilya-pag-magtatrabaho-carlo-sinusulit-ang-bawat-oras-sa-pamilya

Read more...